Donita Rose and husband Eric Villarama decide to "get back together"; but she admits they almost signed divorce papers

Donita Rose on husband Eric Villarama: "I still love him and I realized, if I love someone with all my heart, I need to humble myself. Kahit sabihing mong kasalanan niya, kasalanan ko, it doesn’t matter. We both need to humble ourselves."


Minsan ay napabalitang nakipaghiwalay na raw si Donita Rose sa asawa niyang si Eric Villarama, na nakabase sa Amerika.

Sinagot ito ni Donita, pero sinabi niyang inaayos nila ang problema.

Aminado siyang may pinagdadaanan silang mag-asawa.

Ayaw lang daw niyang magsalita alang-alang sa kanilang anak na naiintindihan na raw ang napapanood sa TV.

Iniiwasan lang daw ni Donita na tuksuhin sa school ang nag-iisa niyang anak.

Read: Donita Rose speaks up about rumored separation from husband Eric Villarama

Pero sa Kapuso Grand Fans Day, na ginanap sa MOA Arena noong nakaraang Linggo, July 26, naging bukas si Donita sa pagkukuwento tungkol sa pinagdaanan nilang mag-asawa.

DIVORCE PAPERS. Maayos na raw sila ngayon ni Eric, pero umabot sila noon sa puntong magpipirmahan na sila ng divorce papers.

Lahad ni Donita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk, “We were on the brink of signing divorce papers already.

“Yeah, ganun na kami sa isa’t isa.

“Lagi kaming nag-aaway and lagi kaming nagkaroon ng miscommunication, especially with the distance between us.

“So, minsan mas madaling bagsakan siya ng phone.

“So, na-build up na yung galit namin sa isa’t isa.

“Hanggang sa I realized or we both realized that we’ve almost lost each other, and what for?

“At the end of the day, parang, ‘What do we want?’”

Patuloy ng 40-year-old actress-TV host, “I still love him and I realized, if I love someone with all my heart, I need to humble myself.

“Kahit sabihing mong kasalanan niya, kasalanan ko, it doesn’t matter.

“We both need to humble ourselves.

“And so, now we talk a few times a day sa Facetime.

“And we’re planning to finally, for once and for all, get back together, living in the same country na hindi puwede paganun-ganun, e."

THE SET-UP Ngayon ay okay na raw sila at pinag-uusapan na nila kung ano ang set-up na mapagkasunduan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwedeng sila raw ng anak nila ang pumunta doon sa San Diego, California, o sundan sila rito sa Pilipinas ng kanyang asawa.

“Now, hindi na kami nag-aaway, as in nagkakaunawaan na kami.

“Total forgiveness.

“But when he says things like ‘I love you,’ hindi muna ako sumasagot.

“Kasi gusto ko na ligawan ako ulit. Kailangan pahirapan ko muna siya.

“O, di ba, long hair?” natatawang sabi ni Donita.

MUTUAL DECISION. Naniniwala si Donita na himala mula sa Diyos ang nangyaring pagbabalikan nilang dalawa.

“Sabi ko kasi kay Lord, ‘I-sign ko na ba yung papeles talaga kung hindi siya tumino?’

“I asked God to give me one answer.

“I said, ‘Eric, you have to talk to our pastor first. And pag nagpaalam ka na, I’ll sign the papers on our anniversary, June 9.’

“June 6 yata nakausap niya. And then, I think June 7, he called me.

“And he said, parang umiiyak na siya, and he’s like, ‘I don’t know what was going through my mind.

“’Why would we sign divorce papers? This is stupid…’

“Kasi he hired a lawyer already and everything.

“Pero isipin mo, dahil sa nangyari, we’re stronger than ever now.”

Nilinaw ni Donita na ang pagbabalikan at pag-aayos nilang mag-asawa ay pareho nilang desisyon at hindi dahil sa kanilang anak.

Sabi niya, “That should never be the reason.

“In love naman ako sa kanya, and in love siya sa akin.

“Willing naman kami patawarin ang isa’t isa, but we’re taking it one step at a time.

“I don’t wanna say na parang everything is 100 percent a bed of roses, na in every marriage, there’s going to be trials.

“Pero sa ngayon, and siguro for the past… since April until now, almost three months, we’ve been very happy.”

Ikinasal sina Donita at Eric noong June 2003.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN