Jessy Mendiola reveals what makes her jealous of JM de Guzman

Although she admits she's not the jealous type, Jessy Mendiola gripes about the one thing that gets her jealous about boyfriend JM de Guzman: “Selos lang siguro, ako, sa part ko, na lahat ng leading lady nakakatrabaho na niya, ako hindi pa. Siyempre ang galing nito, e. Gusto kong mahawa sa galing niya.”


Sabay na dumating, nag-pictorial, at nagpa-interview sa media ang magkasintahang sina Jessy Mendiola at JM de Guzman sa pictorial para sa 23rd anniversary ng Star Magic noong July 26, sa 4th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jessy, sinabi ni Jessy na magaan sa loob niya na ngayon ay puwede na silang makita na magkasama ni JM.

“Dati kasi nagtatago kami. At least ngayon maluwag na sa puso.

“Kasi siyempre, gusto rin namin na maging normal couple, puwedeng maglakad-lakad kami nang sweet kami.

"Or, like, gumawa ng mga bagay na magkasama kami, like workout or whatever, na kumportable kami,” saad niya.

Para kay Jessy, komunikasyon ang nakikita niyang sikreto kung bakit mas maayos ang relasyon at samahan nila ng aktor.

“Lagi kaming nag-uusap.

“Kahit pa may mga bagay na 'di namin napagkakasunduan, we always make it a point na mag-uusap kami.

"Kumbaga, we try to compromise."

Nakikinig na ba sa kanya si JM?

“Sobra! Kahit na nagtatrabaho siya, nagwu-worry siya sa akin.

"Pag may kailangan ako, ibinibigay niya," pagmamalaki ni Jessy.

Dahil sa nature ng kanilang trabaho, hindi maiiwasang ipareha sila sa ibang mga artista.

Hindi ba nakakaramdam ng selos si Jessy sa tuwing napapareha sa iba o nali-link si JM sa nagiging leading ladies nito?

Pag-amin ng Kapamilya actress, “Selos lang siguro, ako, sa part ko, na lahat ng leading lady nakakatrabaho na niya, ako hindi pa.

“Siyempre ang galing nito, e. Gusto kong mahawa sa galing niya.”


PROJECTS. Abala si Jessy ngayon sa taping para sa teleseryeng You’re My Home at sa mobile serye kasama naman sina Kim Chiu at Xian Lim.

“May soap kami ni JC [de Vera], You’re My Home, kasama namin sila Mr. Richard Gomez and Ms. Dawn Zulueta.

“Tapos ngayon, katatapos lang naming i-tape or i-shoot yung Star Flicks, mobile serye siya, kasama ko dun sila Kim and Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First ever mobile serye siya, love triangle nila ako.”

Hindi ba siya nangangambang makatanggap ng pamba-bash mula sa KimXi fans ngayong siya ang other party sa teleserye nila?

Sabi ni Jessy, “Hindi, ang bait kaya ng fans nila, bumi-visit nga sila sa set.

"Nag-grow na ang KimXi, nag-grow na rin ang fans nila.

"Hindi na sila yung may mga death threats."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN