Kaye Abad ready to settle down but still not in a hurry; wishes to work with John Lloyd Cruz in a soap

Kaye Abad on former Tabing Ilog batchmate John Lloyd Cruz's remarkable acting depth: “Pinapasok niya talaga sa sarili niya yung character na pinu-portray niya. Malalim na malalim na aktor na siya, aktor na talaga siya. Dati parang naglalaro lang kami but then magaling siyang aktor kaya nakita pa rin ang potensyal niya.”


Marami na ang nag-aabang kung kailan mauuwi sa engagement at kasalan ang relasyon ni Kaye Abad at ng kanyang boyfriend na si Paul Jake Castillo.

Masasabing matatag ang kanilang pundasyon dahil nagsimula ito sa pagiging magkaibigan bago nauwi sa isang mas malalim na relasyon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Kaye nung nakaraang linggo sa pictorial para sa 23rd anniversary ng Star Magic, sinabi ni Kaye na handa siya sa pagpapakasal pero ayaw niya itong madaliin.

Ayon sa 33-year-old actress, “Alam naman niya [Paul Jake] na ready ako.

"Siguro huwag lang madaliin kasi madali lang naman 'yan 'pag gusto mo na.

“Madali lang namang magplano, pero ngayon napi-feel ko, oo, ready ako, pero hintay lang tayo.

“Panahon lang naman makakapagsabi.

“Matagal na yung three years.

"Ako, anytime ako. Ready ako, but anytime soon siguro.

"Mga next year siguro ready ako.

“Siguro, financially... siguro we also need to get to know each other, more time to know each other.”


NO WEDDING PLANS YET. Sabi pa ni Kaye, pahapyaw pa lang ang diskusyon nila tungkol sa pagpapakasal, pero hindi pa umaabot talaga sa seryosong pag-uusap.

“Wala pa, wala pa, we’re taking it slow.

"Pag dumating ang araw na yun, hindi naman namin itatago.

“Napag-uusapan, 'Ako gusto ko ganito, gusto ko ganyan,' mga ganung bagay lang.

"Pero hindi ganung seryoso na usapan about it, parang nababanggit lang."

Pero aminado si Kaye na nakita na niya kay Paul Jake ang mga katangian ng lalaking gusto niyang makasama habambuhay.

“Oo, nasa kanya naman ang lahat.

“Mabait saka maganda kasi kasundo ko talaga, parang barkada ko bilang magkaibigan kami muna.

"Maganda yung foundation naming dalawa."


WISHES TO WORK WITH LLOYDIE AGAIN. Napanood muli ang tambalang Kaye at John Lloyd Cruz sa Maalaala Mo Kaya (MMK) pagkatapos ng huling tambalan nila noon sa Tabing Ilog mahigit isang dekada na ang nakakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandun ang hiling ni Kaye na sana ay magkatrabaho sila muli ng dating kapareha.

“Katulad ng sinasabi ko dati bago kami magkatrabaho sa MMK, sana, sana talaga.

“Kinabahan nga ako nung nag-MMK kami kasi parang after 12 years, nun ko lang uli siya nakaeksena.

“Sana, hopefully soap... grabe, 'no, siguro sasabihin ng mga tao ambisyosa ako.

"Kasi sabi ko dati, kahit MMK lang, natupad na.

"Hangad uli tayo ng mas mataas. Soap, okay ako dun.

“Or movie, kahit third party ako, okay ako dun,” sabi niya.

Napansin din ni Kaye ang lalong paglalim ng pag-arte ni John Lloyd.

“Mas malalim, ibang-iba na.

"Dati kasi, darating siya sa set, gagawin lang niya kung ano yung nasa script.

"Ngayon, inaral niya talaga.

“Pinapasok niya talaga sa sarili niya yung character na pinu-portray niya.

“Malalim na malalim na aktor na siya, aktor na talaga siya.

"Dati, parang naglalaro lang kami.

"But then, magaling siyang aktor kaya nakita pa rin ang potensiyal niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN