Ai-Ai delas Alas says Sunday PinaSaya not competing head-on with ASAP: “Makakalaban ba namin yun, e, institusyon na yun?”

Ai-Ai delas Alas says GMA-7's new Sunday show, Sunday PinaSaya isn't competing with ASAP and has something new to offer: “Wala, hindi naman namin kinakalaban. Siyempre kami, may iba kaming ihahatid.”


Isa si Ai-Ai delas Alas sa main hosts ng upcoming comedy-variety game show ng GMA Network na Sunday PinaSaya, na magsisimula sa August 9.

Direktang makakatapat ng timeslot nito ang ASAP ng ABS-CBN na 20 years nang nasa ere.

Ngunit sinabi ni Ai-Ai na hindi kinakalaban ng Sunday PinaSaya ang ASAP.

"Makakalaban ba namin yun, e, institusyon na yun?

“Siyempre kami, may iba kaming ihahatid.

"And hindi din naman ako naging part ng ASAP. Buti na lang!” at natawa ang tinaguriang Philippine Queen of Comedy.

Wala raw siyang nararamdamang pressure sa bagong show niya sa Kapuso network.

“Kasi gusto kong maging happy sa work ko.

"Yun lang ang gusto kong parating sa lahat ng followers ko—na gusto ko lang maging masaya sa lahat ng ginagawa ko."

Masaya rin daw si Ai-Ai dahila makakapag-comedy na naman siya sa pamamagitan ng Sunday PinaSaya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa presscon ng Sunday PinaSaya noong Huwebes, July 30, sa 17th floor ng GMA Network Center.

MARIAN AND REGINE. Makakasama ni Ai-Ai sa Sunday PinaSaya si Marian Rivera, na kasalukuyang buntis sa una nilang anak ni Dingdong Dantes.

Hindi pa man isinisilang ang magiging anak nina Marian at Dingdong, ibinuking na ni Ai-Ai na magiging ninang siya nito.

“Oo! Siyempre, lagot!” bulalas niya.

Ibinuking din ni Ai-Ai kung ano ang ireregalo niya sa binyag ng anak ng Kapuso Primetime King and Queen.

“Naku, Christian Dior shoes!”

Special request ba iyon ni Marian sa kanya?

“Yes-terday! Hindi ko na napigil ang bibig ko!” at tumawa si Ai-Ai dahil supposedly ay sa kanila lang ni Marian ang impormasyon na iyon.

“Nasabi ko na ngayon!” at tuluyan nang napahalakhak ang Comedy Queen.

Samantala, totally clueless naman daw si Ai-Ai kung bakit hindi natuloy na mapasama sa cast ng Sunday PinaSaya si Regine Velasquez.

“Hindi ko alam,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin daw sinabi sa kanya ang GMA na dahilan sa hindi pagkakasama ni Regine sa naturang Sunday show, at wala rin daw isyu sa pagitan nila ng singer-actress.

“Wala. Wala nga,” diin pa nito.

Kasama rin sa Sunday PinaSaya sina Alden Richards, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles, Valeen Montenegro, at Joey Paras.

Ito ay sa direksyon ni Rich Ilustre.


EARTHQUAKE DRILL. Noong araw ng presscon ng Sunday PinaSaya ay araw rin ng Metro-wide earthquake drill bilang paghahanda sa sinasabing 'The Big One' o sa posibleng pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila at mga kalapit na lugar, tulad ng Bulacan, Cavite, at Laguna kapag gumalaw ang West Valley Fault.

Nag-participate din daw si Ai-Ai sa shake drill.

“Oo, kanina!

"Wala, naka-outfit lang ako, masabi lang. Ang kintab ko kanina!" tawa niya.

Hindi raw siya nangangamba sa The Big One.

“Hindi naman tayo Diyos, e. Siya lang ang nakakaalam kung kailan at saan.

“Drill nga tayo nang drill, e, nasa labas ka naman o nabagsakan ka ng building. May magagawa ka pa ba?

“Na kay God lahat 'yan. Nandiyan naman si God.

“Siya ang bahala sa atin, hindi Niya tayo pababayaan,” pahayag ni Ai-Ai.

Pero nakahanda ba siya kung sakaling mangyari nga iyon?

“Hindi naman natin alam kung kailan yun 'tsaka saan e, 'di ba?

“'Di ba, malay mo nasa bahay ka nga, drill kayo nang drill puwedeng...

"E, ako nasa labas ako ng harap ng building, e, 'di nategi lola mo, e, di waley na?

“Di nasayang lang drill ko? 'Di ba?

“Minsan kasi hindi mo mape-predict e, 'di ba?

"Like ang comedy, ang comedy hindi mo naman itinuturo 'yan, e. Ano 'yan, inborn, natural.

"Ganun din yun.

“Iyon ang paniniwala ko, pero mas maganda pa rin na lahat tayo aware kung ano yung gagawin natin kapag dumating yung The Big One.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si God lang makakapagsabi, Siya lang ang nakakaalam.

“'Di ba, minsan nga natutulog ka lang, kinukuha ka na ni Lord, e.

“Wala ka namang... hindi ka naman gigising pa, 'di ba?

"Para paggising mo, ‘Ay, kukuhain na ba ako ni Lord?’

“Hindi, e. Nandun ka na, 'di ba? Wala, wala na, tapos na.

“Ganun talaga ang buhay, life is short.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN