Lovi Poe explains “beso” photo with Marian Rivera; Heart Evangelista thanks Marian for her comment

“Maiksi lang naman ang buhay kaya mas masaya na masaya na lang tayong lahat," says Lovi Poe (right, with Heart Evangelista) after explaining her "beso" photo with Marian Rivera.


“Maiksi lang naman ang buhay kaya mas masaya na masaya na lang tayong lahat.”

Ito ang pahayag ni Lovi Poe nang tanungin tungkol sa ginawa niyang pagbeso sa kapwa Kapuso star na si Marian Rivera sa 15th anniversary party ng YES! Magazine noong July 27.

Read: Marian Rivera and Lovi Poe back on good terms?

Sa panayam ng Startalk kay Lovi actress kahapon, August 1, sabi ng Beautiful Strangers actress tungkol sa litrato nila ni Marian, “Masaya po ako na I went up to her, nilapitan ko siya, at bineso ko.

“Kasi pakiramdam ko naman na yun naman po talaga ang tamang gawin at saka matagal na rin yun.

“Maiksi lang naman ang buhay kaya mas masaya na masaya na lang tayong lahat.”

Matatandaang bago sila nagkaroon ng hidwaan ay malapit na magkaibigan sina Marian at Lovi, na unang nagkasama sa dating sitcom ng GMA na Show Me Da Manny (2009-2011).

Ngunit nagkalamat ang pagkakaibigan nila nang magkaroon ng 'di pagkakaunawaan si Marian at ang kapwa nila Kapuso artist na si Heart Evangelista habang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island noong 2011.

Lumalabas na pinanigan ni Lovi si Heart noong panahong iyon.

Temptation Island

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian tungkol sa pangyayari noong Lunes, aniya, “Ang tagal-tagal na nun, mag-move on na tayo.

“Mas maganda na mas maging positibo tayo sa buhay, especially now na buntis ako.

“Sa dami ng iisipin ko dahil sa anak kong ito, parang walang dapat isipin.

“Okay na 'yon, let go na natin 'yon.”

Read: Marian Rivera on 'beso' photo with Lovi Poe: “Okay na 'yon, let go na natin 'yon.”


HEART THANKS MARIAN. Sa parehong panayam, tinanong ng PEP si Marian kung posibleng matapos na rin ang isyu sa pagitan niya at ni Heart.

Sagot niya, “Alam mo, sa totoo lang, sa buhay kong ito, lahat ng tao para sa akin, mas maganda na maging positibo na lang at mag-move on.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Watch: Marian Rivera on reconciliation with Heart Evangelista: "Wala naman kasing problema sa akin, e."

Ipinagpasalamat naman ito ni Heart.

Sa Startalk kahapon, sabi ng Kapuso actress-TV host, “Honestly nakita ko ang interview niya kanina lang, and I just want to say na na-touch ako doon sa sinabi niya na move on na tayo.

“Really from my heart, na-touch ako.

“So, thank you. Kasi masaya naman na kaming lahat.

“Para everyone happy, and also to the fans, be happy na.

“In fairness, thank you Marian doon sa comment mo."

Pero may panibagong isyu na naman na kinahaharap si Heart kung saan may kinalaman din si Marian.

Nakapagbitiw kasi ng salita si Heart sa Instagram na ayaw na niyang maikumpara pa kay Marian dahil sa mga natatanggap niyang pamba-bash mula sa "very bad" fans ni Marian.

Read: Heart Evangelista calls Marian Rivera fans “very bad”

Tulad ng inaasahan, hindi ito nagustuhan ng mga tagahanga ni Marian at nagbigay ng pahayag laban kay Heart.

Read: Marian Rivera fans hit back at Heart Evangelista over her “very bad” comment on Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN