Dingdong Dantes ushers in birthday with thanksgiving mass; reveals wife Marian Rivera's "meaningful" gift

Dingdong Dantes [shown with wife Marian Rivera and Father Erick Reyes] on how he and his wife put more meaning into their birthday gifts for each other: “Tumigil na kami sa pagbibigayan ng mga materyal na nabibili. Mas maganda yung nagagawa, mas meaningful.”


Ngayong Linggo, August 2, ang aktuwal na kaarawan ng Kapuso Primetime King at commissioner-at-large ng National Youth Commission na si Dingdong Dantes.

Kagabi, sa 17th Floor ng GMA-7 ay nagdaos ng isang thanksgiving mass ang Pari ‘Koy para sa tagumpay ng naturang primetime series na umabot na sa ikalawang season at magtatapos pa lamang sa August 21.

At siyempre, kasama na rin sa naturang misa ang pasasalamat sa panibagong kaarawan ng bida ng Pari ‘Koy na si Dingdong.

Ang misa ay pinangunahan ni Father Erick Santos.

Nang makausap ng PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] si Dingdong at ng ilang entertainment press people, ang birthday wish niya muna ang itinanong namin.

“Ang birthday wish ko, ultimately, ang health ng baby at ng nanay, ni Marian [Rivera] sa paparating na ilang buwan na lang.

“Ultimately, yun talaga ang isa sa hinihiling ko araw-araw. Pangalawa, kung ano ang magiging continuation ng inspiration na ibinigay sa amin ng Pari ‘Koy.

“Ang wish ko, kung sakaling magwakas ito which I’m sure naman, darating tayo diyan, sana magkaroon ng continuity yung inspirasyon na nakukuha namin dito palagi, as an actor or even as an audience, that I hope we can always find the true meaning of being grateful and the true appreciation of our blessing, even beyond the show.

“Yun ang mga Top 2 na birthday wishes ko,” lahad ni Dingdong.

Sa thanksgiving mass, hinilingan din si Dingdong na magdasal pagkatapos na ipag-pray-over siya ni Father Erick bilang kaarawan niya.

Sabi nga namin sa kanya, parang naisapamuhay na rin niya ang karakter niya bilang si Father Kokoy.

Pagsang-ayon niya, “Oo naman, imagine n'yo naman, sa buong taong ito, going seven months na rin naming ginagawa [ito]... pitong buwan na magkakasama na pari ako at isinasabuhay ang mga Scriptures.”

GRATEFUL FOR EXTENSION. Bukod-tangi yata ang primetime series nila, dahil na-extend ito mula sa orihinal na planong one season lang. At dahil dito, marami ang nagsasabi at nagtatanong na bakit hindi na lang hayaang umere at mag-extend nang mag-extend ito dahil sa mga bagong kuwento naman na naipapasok sa istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Dingdong, “Well siyempre, it’s not our call but we’re grateful enough na umabot kami ng ganito katagal.

“In fact, I think nga, may dalawang extension na. Grateful na po kami na nangyari yun.

“Kung hihilingin pa, hindi naman po kami ang tamang tao para sagutin ‘yan but we will always be ready,” panigurado niya.

THANKFUL FOR LESSONS. At dahil nga sa itinagal ng kanilang serye, namukod-tangi din ito dahil napakarami rin daw niyang natutunang aral habang ginagawa nila ito.

Sabi niya, “Marami ‘yan, e, pagdating sa pangaral ng Biblia.

“Always ang underlying lesson na ipinapakita, sine-share namin. Unang-una yung pagbibigay pasasalamat, pagpupuri, pagmamahal at yung salitang pinagpala, mahalagang-mahalaga yun.

“Pero siyempre, ultimately ang pananampalataya. All these things we strengthen because of the episodes na ibinibigay sa atin.”

CELEBRATING WITH FAMILY AND CAST. Walang duda na napalapit talaga kay Dingdong ang Pari ‘Koy dahil ngayong kaarawan niya, ang pinili niya maging selebrasyon ay ang ginanap na thanksgiving mass.

Dito ay nakasama ni Dingdong ang mga cast at staff ng Pari ‘Koy at hiniling din niyang dumating ang kanyang pamilya, kung saan nandoon din ang kanyang ina na si Mrs. Angeline Dantes at mga kapatid na sina Aya, Angelo at Vickie.

At siyempre, nandon din ang misis ni Dingdong na si Marian.

Ayon kay Dingdong, “Well, it’s really more of a thanksgiving. Nagpapasalamat kami na nabigyan nga kami ng chance na ma-extend [ang Pari 'Koy]."

“Nagpapasalamat kami na yung mismong Pari ‘Koy na show nabigay sa amin.

“It could have been given to anyone and hindi naman siguro, well, hindi naman siguro kami ang magiging mapalad na naibigay rito but we were chosen kaya nagpapasalamat kami dun.

“And of course, because of the birthday and wala naman kaming pagkakataon na magkaroong ng totoong Eucharistic celebration sa taping, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Ika nga nila, practice what you preach at ito rin ang ipinapakita natin. Kailangan busog din ang kaluluwa natin sa mga ganitong klaseng bagay.”

SPECIAL DAY. Kagabi, pagkatapos ng thanksgiving mass ay nagtuloy si Dingdong at cast and staff ng Pari ‘Koy sa Taumbayan kunsaan, dito na rin nila sinalubong ang kaarawan ng actor.

Pero ngayong araw na mismong kaarawan niya, ano naman ang magiging espesyal na selebrasyon ni Dingdong?

“Ako, para sa akin, highlight na ‘to. Pinaka-highlight na ‘to kasi, bihira rin naman na nagkakaroon ng chance na nakakapag-misa ako sa birthday ko.

“Kahit hindi eksakto sa birthday ko na Agosto dos, ganun na rin yun. Tomorrow, the usual na sa bahay lang, sa pamilya lang.

“I want to keep it simple this year. Hindi lang nga ako nakapag-plano ng out-of-town dahil konti na lang ang panahon. Sa pamilya and some close friends, ganun lang,” pahayag niya.

MARIAN'S B-DAY GIFT. May ibang birthday gift ba na ibinigay sa kanya si Marian?

“Well, wala pa siyang sinasabi na, '‘Yan ang regalo ko sa ‘yo,' pero kanina naghanda siya ng pagkain. Bukas maghahanda siya ng pagkain.

“Yung mga ganung bagay, yun ang pinaka-matinding regalo na para sa akin.

“Kasi, tumigil na kami sa pagbibigayan ng mga materyal na nabibili. Mas maganda yung nagagawa, mas meaningful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN