Cherry Pie Picache praying for speedy conviction of her mom's killer: "Sana before her first death anniversary..."

Cherry Pie Picache is slowly moving on to follow the example of her late mom. She says, "Ang mommy ko... punung-puno ng life, saka positive yun, e, tuloy lang ang buhay. So, I’m sure ganito ang gusto niya na magtuloy kami, so pinu-focus ko yung sa anak ko pa rin."


Naging emosyunal ang aktres na si Cherry Pie Picache nang banggitin niya sa entertainment press ang nakaraang birthday ng kanyang yumaong ina.

Matatandaang pinaslang ang ina ni Cherry Pie na si Mrs. Zenaida Sison, sa sarili nitong pamamahay, noong September 19, 2014.

Nitong nakaraang June 27 ang 76th birthday sana ng mommy niya.

Read: Cherry Pie Picache's mom found dead in her Quezon City home

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherry Pie pagkatapos ng presscon proper ng On The Wings of Love noong Lunes, August 3, sa 9501 resto, sa loob ng ABS-CBN compound.

Matapos sabihin ng aktres na wala silang planong ibenta ang property ng ina at wala pa silang ginagalaw sa mga gamit nito, nag-iba ng reaksiyon si Cherry Pie na parang maiiyak.

“Saka hindi pa namin gustong galawin kasi we just... ”

Hindi naituloy ng aktres ang sasabihin, sandali itong tumahimik nang pangiliran ng luha sa kanyang mga mata.

Huminga muna nang malalim si Cherie Pie at saka uli nagsalita.

"We just celebrated her birthday nong June 27.

"Pinuno namin yung bahay niya ng bulaklak, the way we always get together…"


DUE PROCESS. Ibinahagi rin ni Cherry Pie ang development ng kasong isinampa nila laban sa pinaghihinalaang pumaslang sa kanyang ina.

“Ongoing siya, there’s another break, ganun pala ang proseso ng court.

“Nagbi-break for inventory ng December, January, and then July… you’ll be surprised sa dami ng kaso.

“Mahirap din pala yung kundisyon ng mga PAO [Public Attorney’s Office] lawyers.

“Yung mga kaso natin napakarami, kasi they deserve due process…

“So, nag-stop kami for the whole month of July, nag-resume ngayong August 10."

Ang isinampa nilang kaso sa suspek na si Michael Flores (hindi ang dating dancer ng Maneouvres) ay homicide with robbery.

Sabi pa ni Cherry Pie, “We’re after the capital punishment, which is life imprisonment.

“Yung suspect nakakulong. Naka-detain na, non-bailable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, of course, you have to prove him guilty even if he admitted that he is.

“Yun naman ang proteksiyon ng gobyerno sa mga tao… kailangang you go through the due process of law.”


HURTING. Hanggang ngayon ay masakit pa rin daw sa damdamin ni Cherry Pie ang kalunus-lunos na sinapit na kanyang ina.

“Oo, last year pa, pero parang pakiramdam mo kailan lang.”

Satisfied ba siya sa justice system ng gobyerno?

Sabi ni Cherry Pie, “Honestly, masayang-masaya ako kasi sa tulong… PNP [Philippine National Police, NBI [National Bureau of Investigation], sa Quezon City court natin.

“Masaya ako the way it’s being handled, nagpapasalamat ako sa support nila.

“Iba rin dahil nanay ang pinag-uusapan, siguro they feel what I feel, so yung suporta at tulong, nagpapasalamat ako.

“Siyempre, may gusto pa kaming malaman sa kanya [suspect], we’re just praying he gets convicted soon.

“We’re praying, we’re praying, sana nga before her first death anniversary.

“Sana ma-convict na siya… kasi due process pa rin.”

Dagdag ni Cherry Pie, “We’re seeking for healing and forgiveness…

"Mahirap, pero sige lang, tuloy ang buhay."


MOVING ON. Inamin ni Cherry Pie na may mga pagkakataong nagpa-flashback sa kanya ang malagim na nangyari sa ina.

“Mahirap talaga.

"Siyempre, unang-una, natural naman sa atin ang magalit, gumanti… I mean, I’m just being honest.

“Pero kaya naman tayo magkaiba, kasi kami may Diyos, yun naman ang ipinagdadasal ko.

“Ngayon pinu-focus ko... as much as I know, this is how she wants me to be.

“Ang mommy ko banidosa, punung-puno ng life, saka positive yun, e, tuloy lang ang buhay.

“So, I’m sure ganito ang gusto niya na magtuloy kami, so pinu-focus ko yung sa anak ko pa rin.

“My dreams for my son, yun bang you cannot lose it kasi may anak ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos we’re closer than ever kaming magkakapatid… dati-rati parang ano, ngayon tulungan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN