Dingdong Dantes happy about PNoy's decision to endorse Mar Roxas, but will keep his options open

Dingdong Dantes on who to support in 2016 elections: "Hindi pa naman tayo sigurado kung sino ang ibang lalahok. We have to keep our options open until the last day, and then we decide."


Ngayong opisyal nang inendorso ni Pangulong Noynoy Aquino si DILG Secretary Mar Roxas bilang pambato ng Liberal Party sa pagka-Pangulo sa 2016 elections, marami ang nais malaman kung susuportahan din ni Dingdong Dantes si Mar kagaya ng ginawa niyang pagsuporta noon kay PNoy.

Read: PNoy anoints Mar Roxas as successor for 2016 elections; Mar accepts the challenge to continue "Daang Matuwid"

Matatandaang isa si Dingdong sa prominenteng personalidad na hayagang nangampanya kay Noynoy nang tumakbo itong Presidente noong 2010.

Saad ng Kapuso Primetime King tungkol sa pag-endorso ni PNoy kay Mar, “Let’s put it this way, responsibilidad nating mga mamamayan ang suriin nang wasto ang mga lalahok, ‘di ba?

“More or less, nagpapasalamat tayo na, right now, we are seeing the possible candidates, but not until nagkaroon na ng final na list.

“Meaning, before the last day of the filing of the candidacy, only then can we actually have yung pagpipilian natin.

“Para sa akin, masaya ako na yun ang naging desisyon ni PNoy—, ang iendorso si Secretary Mar Roxas.

“But then again, kailangan talaga we have to see the option and i-weigh siya kung ano ang paniniwala natin.”

Magiging masigasig din ba siya sa pangangampanya kay Mar sa 2016 elections?

Sagot ni Dingdong, “Well, masyado pang maaga para sagutin ‘yan.

“Unang-una, nakaupo tayo ngayon and my term ends in 2017.

“So, technically, may trabaho pa akong kailangang gawin.”

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang pagiging commissioner-at-large niya ng National Youth Commission.

Patuloy niya, “Hindi ko naman sinasabing bawal ang mangampanya, puwede naman.

“Pero siguro ang sinasabi ko, uunahin ko muna ang trabaho ko, at tingin kong kailangan kong tapusin before I will consider that.

“But then again, hindi pa naman tayo sigurado kung sino ang ibang lalahok.

“We have to keep our options open until the last day, and then we decide.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN