Mike Tan on marrying non-showbiz girlfriend of 10 years: “Hindi pa, pareho kaming may mga gusto pang gawin.”

Mike Tan on remaining faithful to girlfriend of 10 years: “Trust lang talaga, at saka ako, inaalagaan ko na hindi ko siya bibigyan ng pagseselosan"


Magsa-sampung taon na ang relasyon ni Mike Tan sa kanyang non-showbiz girlfriend, na halos kasing tagal na ng kanyang showbiz career.

Hindi ba nangangamba si Mike na mauwi rin sa hiwalayan ang matagal na niyang relasyon sa kanyang non-showbiz girlfriend?

Tugon ng Kapuso actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kung mangyayari, mangyayari.

"Pero hindi, inaalagaan ko ang relationship namin."

Natawa naman si Mike nang tanungin kung paano niya nakilala ang kanyang girlfriend.

“Neighbor, playmate, churchmate... lahat actually,” sabi niya.

Housemate na rin ba ni Mike ang girlfriend?

“A, hindi, hindi,” tanggi niya.

Wala pa silang balak magpakasal?

“Hindi pa, pareho kaming may mga gusto pang gawin.

"May gusto pa akong gawin, may gusto pa akong patunayan.

“Gusto kong magbigay ng mark sa showbiz, actually sa GMA, na ‘eto ako, ito yung abilidad ko, ito yung kakayahan ko.

“Parang kung anuman ang ibigay sa akin, kaya kong gawin.

"May sari-sarili pa kaming goals at siya rin meron."

NO BOREDOM. Hindi biro ang kulang sampung taon na relasyon, lalo pa nga’t artista siya at non-showbiz ang girlfriend.

Dumarating din ba sila sa puntong nagsasawa sa isa’t isa?

Sabi ni Mike, “Palagi kaming masaya.

“Siyempre may away, pero wala kami yung ‘ang boring mong kasama.’”

Hindi ba siya dumating sa puntong naghahanap siya ng iba?

“Naghahanap ng iba? Hindi, e. Kasi wala akong makumpara.

"At saka, trust lang talaga at, saka ako, inaalagaan ko na hindi ko siya bibigyan ng pagseselosan.

“I’m very transparent. Yung pagiging transparent ko, alam mo lahat ang ginagawa ko.”

Bilang isang artista, nandiyang naipapareha siya sa iba’t ibang aktres, marami siyang nakikilalang magaganda.

Hindi siya na-tempt o na-attract man lang sa iba?

Ayon sa StarStruck alumnus, “May ano lagi na, 'Wow, ang ganda naman nito!'

"Pero kapag nakausap mo, habang tumatagal, hindi pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para siyang 'too good to be true.'

Reaksiyon ni Mike, “Kung ano yung nakikita niyo sa akin, ito na ako.

"‘Eto na ko, ‘eto ang character ko. Ito na ang paninindigan ko habang nasa showbiz ako.

“Hindi ako gagawa ng image or issue para lang umangat.

"Siguro ayoko rin naman na makita ako ng mga tao na babaero, masama... ayoko ng ganun."

GOD-FEARING. Saan nanggaling yung ganyan niyang attitude?

“Siguro sa pamilya.

“Una sa lahat, sa aming pamilya, tatlong babae, dalawang lalaki—papa ko at saka ako.

"Doon pa lang, nabuo na ang respeto ko sa mga babae, kina Mama.

“Pinalaki ako ng mama ko na may takot sa Diyos, pahalagahan ko mga kapatid ko, respetuhin ko mga kapatid ko.

“Siyempre yung mga kapatid ko, may mga pagkukulang din kami habang lumalaki. Nag-aaway rin kami.

"Pero never kaming tumagal nang magkaaway na isang araw. Ganun kaming klase ng pamilya.

“At ayokong dumating sa punto na makita ako ng tatay ko o nanay ko na may masama akong ginagawa.”

ACTING CAREER. Hindi ikinakaila ni Mike na bilang lalaki, may mga aktres ding naa-attract siya o nagagandahan sa mga ito.

Isa nga sa nabanggit ni Mike ay ang co-star niya sa The Rich Man's Daughter na si Glaiza de Castro.

Sabi niya, “Sobrang attractive para sa akin si Glaiza. Nakitaan ko siya talaga ng kakaibang ganda.

"Sa totoo lang... sabi ko nga noong pinapanood ko, ang ganda ni Glaiza.

“Bukod sa maganda, ang galing din umarte.”

Ano ang gusto pa niyang mangyari sa kanyang career? Gusto pa ba niyang sumikat ng husto?

Tugon ni Mike, “Sa kanila na yun, sa totoo lang, yung maging pinakasikat.

"Ang gusto ko lang talaga, maging actor at magawa nang maayos ang ibinibigay sa aking role.

“Actually ang gusto ko lang, yung respeto ng pagiging actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kapag wala silang respeto sa ‘yo, makikita mo yun.

“Nakikita ko yun kapag, 'A, si ano lang naman yun' —at kailangan mong maging magaling para makuha mo yun.

"Minsan kasi, pakitang-tao na lang, dahil sikat ka, ikaw ang may pangalan ngayon.

“Gusto ko yung long-term na dahil ako ‘to, hindi dahil ‘eto ang pangalan ko, respetuhin mo ako.

"Gusto kong respetuhin mo ako dahil ako ‘to."

Bukas, August 7, na ang finale ng The Rich Man’s Daughter.


Sa episode na ipinalabas noong Miyerkules, August 5, ay namatay na ang karakter ni Mike bilang Paul Tanchingco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN