Dennis Trillo admits he’s not a perfect dad

Dennis Trillo on preparing for the future: “We’re not getting any younger. Maraming mas bago at mas batang artista na darating at kailangan paghandaan natin ang lahat kung sakaling mapalitan na tayo."


Eight years old na sa September 22 si Calix Andreas, ang anak ni Dennis Trillo sa ex-girlfriend nitong si Carlene Aguilar.

Tila hindi nga makapaniwala ang Kapuso Drama King na napakabilis ng panahon dahil kailan lang ay karga-karga niya si Calix noong bagong silang ito.

Kaya kahit busy ang aktor sa kanyang maraming trabaho, tinitiyak daw niyang may sapat siyang oras at panahon sa nag-iisang anak.

Pahayag ni Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ayokong may nami-miss ako sa paglaki ni Calix.

“Ang bilis lumaki ng mga bata ngayon, ‘di ba? Ilang araw mo lang silang hindi makita, may malaking pagbabago na.

“That’s why I make it a point na kapag may mga activities siya sa school, nakakarating ako.

“At inaalam ko ‘yung mga gusto niya parati.

“Alam n’yo naman ang mga bata, paiba-iba ang mga gusto nila, kaya kailangan up-to-date ako sa mga favorites niya.”

Nakausap ng PEP si Dennis sa grand launch ng My Faithful Husband noong July 31 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.


EVERYTHING FOR CALIX. Lahat daw ng ginagawa ni Dennis ay para sa kanyang anak.

Natapos na raw ang ipinapagawa niyang bahay at naka-invest ang kanyang mga kinikita para sa kinabukasan ng kanyang anak.

Sabi ng 34-year-old actor, “Kaya tayo trabaho nang trabaho.

"Habang kaya ko pang magtrabaho, pinag-iipunan natin ang kinabukasan ng anak ko.

“We’re not getting any younger. Maraming mas bago at mas batang artista na darating at kailangan paghandaan natin ang lahat kung sakaling mapalitan na tayo.

“Worth it naman ang lahat ng pagod kasi tuwing nakikita ko si Calix na lumalaki, doon ko nakikita na may tama pala akong ginawa sa buhay ko.

“Hiling ko naman sa anak ko na pagbutihan niya ang pag-aaral niya.”

NOT PERFECT. Aminado si Dennis na hindi siya perpektong ama.

“Wala naman sigurong masasabing perfect father, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, inaamin ko na marami akong naging pagkukulang sa anak ko—marami akong nagawa na hindi ko maipagmamalaki kay Calix.

“Pero kailangan malaman niya ang mga iyon mula sa akin. Kesa naman sa ibang tao pa.

"I just want to be honest sa anak ko. Ayokong may itinatago ako sa kanya.

"Para pag nasa tamang edad na siya, hindi na siya magugulat sa malalaman niya tungkol sa akin kapag tinayp niya ang pangalan ko sa Google.

“But I am doing my best to be a good father and a good provider.

“Ang importante naman ay kung nagkamali ka minsan, huwag mo nang ulitin.

“Marami na akong napagdaanan at ang maging isang father ang pinakamasayang nangyari sa buhay natin,” saad niya.

SECRET CRUSH. Sa balik-tambalan nila ni Jennylyn Mercado sa primetime teleseryeng My Faithful Husband, first time makakatrabaho ni Dennis si Joyce Bernal bilang direktor.


Inamin ni Direk Joyce isang interview na “naninigas” siya kapag katabi niya ang aktor. Ibig sabihin ng lady director ay may lihim itong crush kay Dennis.

Natatawa namang reaksiyon ni Dennis, “Talaga? Hindi ko alam 'yon!

“It’s my first time to work with Direk Joyce at iba ang experience.

“May mga nababasa nga ako na ibang klaseng director daw si Direk Joyce. Hindi raw siya yung pangkaraniwan na director.

“Nalaman namin ni Jen [Jennylyn] na para lang siyang barkada sa set. Walang tension at ang gaan-gaan niyang katrabaho.

“Sana magkaroon ako ng chance na makatrabaho si Direk Joyce sa isang movie naman.

"Tama sila sa pagsabing ang sarap niyang katrabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN