Andi Eigenmann calls ex-boyfriend Jake Ejercito "scum of the Earth" on Twitter

Umiwas si Andi Eigenmann noong una na sabihin sa media kung sino ang pinatutungkulan niya sa kanyang tweets lately. Pero kalaunan, umamin na rin ang Kapamilya actress na ang ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito ang kanyang pinatatamaan.


Napaamin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Andi Eigenmann kung sino ang pinaparinggan niya sa kanyang maaanghang na tweets nitong mga nakaraang araw.

Isa sa mga na-tweet ng aktres ay ito: “Mas may mahirap kausap sa bobo: mayabang.”

Sa opening ng Viva-franchised Paper Moon Boutique and Café, sa Glorietta 3, Makati City, ngayong Huwebes ng hapon, August 6, napaamin ng media si Andi kung sino ang kanyang pinatatamaan.

Ito ay walang iba kundi ang kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Noong una, sinabi ni Andi na random post lang ito at basta naisip lang niya.

Natatawang sabi ng Kapamilya actress, “Wala yun!

"Alam niyo naman ako, pag nagtu-tweet ako minsan, hindi ko na napapansin yun.

“Hindi ibig sabihin nun na may specific person akong tinutukoy, sinasabi ko lang."

May tweet ding ganito si Andi:

Nang tanungin kung sino ang tinutukoy niya rito ay umamin na rin si Andi.

Natatawang sabi niya, “Alam niyo na yun!”

Dagdag ni Andi, “Alam niyo, Jake and I are friends.

"Akala ng mga tao na nagkabalikan kami, 'di ba?

"Hindi po kami nagkabalikan. We’ve been separated for more than a year.

“Pero siyempre, dahil sobrang comfortable na namin sa isa’t isa, hindi [mo maiiwasang] magkakapikunan pa rin kayo.”

So, si Jake nga ang pinatatamaan niya?

“Oo!” ang walang kaabog-abog na tugon ni Andi.

“Umamin, sige na nga!” ang humahalakhak pa ring pag-amin nito.

Sabi pa ni Andi, “Yun na nga, kahit hindi na kami, kahit na hindi kami nagkabalikan, kahit na nga we’re just friends, minsan hindi mo maiiwasan na magkakapikunan pa rin kayo.

"Especially because we were together for four years, so we are very comfortable with each other.

“That even as friends, we can get on each other's nerves.

"I’m sure, siya rin naiinis din naman siya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw alam ni Andi kung aware si Jake na ito ang pinatutungkulan niya sa naturang tweets.

Hindi rin naman daw ito nagtanong sa kanya.

Diin ni Andi, “At saka wala lang yun.

"Yung Twitter ko naman, kung anu-ano na lang naman talaga ang tinu-tweet ko, pero it doesn’t mean na it is a big deal.

“Pero 'pag it’s a big deal, I won’t tweet about it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN