Jackie Forster tired of waiting for sons Andre and Kobe: "It's time to let it go."

Parang napapagod na raw si Jackie Forster sa paghihintay kung kailan siya mapapatawad ng mga anak niya kay Benjie Paras na sina Andre at Kobe. Sabi niya, “Parang mas pagtuunan ko na ng pansin yung pamilya ko, yung pagmamahal sa akin. Yung mga nagpapakita na kailangan at gusto nila ako sa buhay nila.”


Kasalukuyang nasa Pilipinas ang dating aktres na si Jackie Forster, kasama ang Dutch husband nitong si Michel Franken at mga anak nilang sina Jared, Caleigh, at Yohan.

Kagabi, August 6, naging panauhin si Jackie sa Aquino and Abunda Tonight ng ABS-CBN.

Pagkatapos ng maiksing kumustahan, kaagad na dumako ang host na si Boy Abunda sa isyung hindi pa rin natutuldukan—ang pangungulila ni Jackie sa dalawang anak niya kay Benjie Paras na sina Andre at Kobe Paras.

Pahayag ni Jackie, “Well, we’re still not talking.

"And the last time I spoke to them, or trying to speak to them, what they asked me was for space. Right?

“A few years ago, nagkaroon ng controversy because they said something bad about me on TV out of nowhere, so I had to react, which is why I made a video for them.

“But I feel like I’m doing what they’re asking of me, which is [giving them] space.

"So, the last time they said that was two years [ago]."

Sa kabila nito, hindi pinapalampas ni Jackie ang pagkakataong mag-post ng mga papuri sa anumang kaganapan sa buhay ng dalawa niyang anak.

Sabi ni Boy, ito ay isang pagpapatunay na si Jackie ay “trying to reach out to her two boys.”

Sagot dito ni Jackie, “Yes, because I know… based on what I know, from our common friends...

"This is not even from the media, this is not even from outsiders, from the insiders, is that they think, they really think, that I just turned my back and abandoned them.

“And gusto ko lang iklaro…”

Sabat ni Boy, “Na iniwan mo sila?”

Tanggi ni Jackie, “No, it’s not true.

"I have legal documents to say so.

"I have friends that have helped me trying to see them. I have social workers, lawyers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s not true...

"And sa akin lang kasi, especially now that I’m in a better place, na feeling ko, na kahit anong gawin nilang paninira sa akin, wala na, e. Tapos na yun.

“Kumbaga, pinagdaanan ko na, pinagdusahan ko na kung ano yung bintang nila sa akin.

"I just feel like now is the time where I can just let them, you know, just to get to know me.

“I’m here, if you wanna see who I am, just come…”


BRAINWASHING. Ilang buwan na ang nakalilipas, sinagot ni Kobe ang isang follower niya sa Instagram na nag-aakusang na-brainwash diumano siya ng kanyang stepmother na si Lyxen Diomampo.

Read: Kobe Paras addresses estranged mother Jackie Forster simply as ‘Jackie’

Tinanong ni Boy si Jackie kung naniniwala ba talaga siya na-brainwash ang dalawa niyang anak upang lumayo sa kanya.

Nag-isip muna ng ilang segundo si Jackie bago sumagot.

Tugon niya, “It’s because the story that my children know of me has to come from somewhere…

“Because they know that they’re telling the children stories that are not true.

"So, that’s not… if you’re telling someone and pound it in your head, and it’s not the truth, telling them something, then that’s brainwashing."

TIRED OF WAITING. Handa ba siyang maghintay kahit matagal na panahon para mapatawad o maintindihan siya nina Andre at Kobe?

Sagot ni Jackie, “At this point, I ask for forgiveness for whatever it is.

"If there is something else that's bothering them, I’m willing to talk about it.

“And it seems the doors are closed.

"Ang dami nang nangyari...

"Nagkasakit na yung kapatid nila [Jackie's daughter Caleigh, who is afflicted with leukemia] and everything, hindi pa rin lumambot yung puso nila.

"I feel like it’s… tama na, it’s time to kinda… anyway, let it go.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito, gumagaralgal na ang boses ni Jackie, ngunit nagpigil pa rin itong hindi maiyak.

Sabi niya, “I will never stop loving them.

"But, you know, it’s just tiring… tiring.

“But I don’t wanna cry.

"Hanggang saan ako magmamakaawa?

"Hanggang kailan ako magbi-beg na pagbigyan nila ako, na bumalik sila sa akin?

“Na bumalik yung loob nila sa akin?

"Hindi ko na… parang mas pagtuunan ko na ng pansin yung pamilya ko, yung pagmamahal sa akin.

"Yung mga nagpapakita na kailangan at gusto nila ako sa buhay nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN