Alden Richards will not be paired with other leading ladies because of AlDub loveteam

Alden Richards on being paired with other leading ladies: "Siguro parang malayo pa po yun since this AlDub thing is very hot right now."


Pumirma ng four-year movie contract ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards sa APT Entertainment, Inc.

Ginanap ang contract signing kahapon, August 6, sa Victorino’s restaurant sa Quezon City.

Present sa pirmahan sina Mike Tuviera, Jojo Oconer, at Rams David ng APT Entertainment, Inc.; at si Gigi Santiago-Lara ng GMA Artist Center.

“Ang tagal kong hinintay ito!” bulalas ni Alden nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya sa pagpirma ng movie contract.

Sabi pa niya, “I mean, we have talked to APT for… since a few months ago, then now everything is materializing po.

“So, iyon, very blessed and happy na now I’m gonna do films po with APT.

“I’m very happy po and blessed na, at least, parang everything that’s happening to me po right now, parang surprise lahat, e.

“Parang blessing na out of nowhere.

“APT offered a movie contract with me and then AlDub is happening, Eat Bulaga! is doing well po, and I couldn’t ask for anything more po sa nangyayari ngayon.

“Basta all I wanted to do po is to keep on working hard every day and not to let people down who trust me po.”

Bukod dito, ayon kay Gigi Santiago-Lara, may plano ang GMA na isang soap opera para kay Alden.

Sabi ng GMA Artist head, “Definitely may plans ang GMA for a soap for him.

“We’re also conscious lang sa mga nangyayari rin sa kanya, di ba? But we’re planning that.

“Actually, kaka-discuss lang rin namin, the network, talaga namang may nakaplano kay Alden na soap.

“Aayusin lang namin kasi paano niya gagawin, di ba?

“E, may mga international commitments pa siya, so kailangan lang natin i-balance lahat.”

PHENOMENAL HIT. Walang dudang phenomenal hit ngayon sa telebisyon ang AlDub, ang tambalan nina Alden at Yaya Dub (Maine Mendoza) sa “kalyeserye” ng Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden kung may fear ba siya na dahil sa malaking tagumpay ng AlDub, kapag ipinareha siya sa ibang leading lady ay hindi tanggapin ng publiko, lalo na ng napakaraming fans ng tambalan nila ni Yaya Dub.

Sagot niya, “Well, kasi po, as of the moment, of course we want to cater to the clamor of the people.

“So, parang as of now, of course siguro yung planong to be paired with another leading lady, siguro parang malayo pa po yun since this AlDub thing is very hot right now.

“So, parang tuluy-tuloy po muna ito.”

Tila hindi rin tanggap ng avid AlDub fans na maipareha sa iba si Alden.

Ang dating ka-loveteam nga ni Alden na si Louise delos Reyes ay naba-bash na ng AlDub fans.

Sa isang Instagram post nga ni Louise ng larawan nila ni Alden ay may nag-comment ng “Stay away from Alden!”

Reaksiyon dito ni Alden, “May ganun nga daw po, e.

“Let’s not take it naman po too personal, parang no one needs to be involved here, na parang kailangang ma-bash or hindi masabihan ng maganda ng iba.

“We’re just doing this to make people happy, to make people kilig every afternoon.

“So, I hope na support lang po tayo dun sa loveteam and not to bash anyone or involve anyone na hindi naman po affiliated with the situation.”

Ngayon ba, dahil sa tagumpay ng AlDub ay may extra effort ba si Alden na mag-aral mag-dubsmash?

Sabi niya, “Kasi, actually po ako, since nauso si Dubsmash marami na po akong naka-bangko.

“Kumbaga, natuwa ako sa kanya, so pinag-aralan ko na talaga siya hindi lang talaga siya nilalabas. Just for fun.

“Madali lang naman po, e, lipsynching lang naman, ang nakangiting sinabi ni Alden. “

Bukod sa Eat Bulaga! ay regular din si Alden sa Sunday PinaSaya, na eere na sa GMA simula sa Linggo, August 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN