Ruffa Gutierrez on being called 'bobo' by mom Annabelle Rama when it comes to love: “Sanay na ako.”

Ruffa Gutierrez on mom Annabelle Rama's disapproval of her lovelife: "I’m used to it na, e... Even if it’s been a lifetime crisis for me, since I was a teenager, I am just so happy for those that stayed. And for those who ran away, okay lang. That means that weren’t meant to be."


Nagsalita na si Ruffa Gutierrez tungkol sa pahayag ng kanyang inang si Annabelle Rama na "hindi galing sa puso" ang kanilang pagbabati noong kasal ng kapatid niyang si Elvis noong June.

Sa press conference ng reality show nilang It Takes Gutz To Be A Gutierrez kamakailan, sinabi ni Annabelle na hindi galing sa puso ang pagbabati nila ng panganay na anak.

Nag-ugat ang hidwaan sa pagitan ng mag-ina dahil kontra si Annabelle sa relasyon ni Ruffa sa kanyang boyfriend ngayon na si Jordan Mouyal.

Read: Annabelle Rama describes reconciliation with Ruffa Gutierrez: “Hindi galing sa puso.”

Reaksiyon ni Ruffa sa sinabi ng ina, “Para sa kanya siguro pilit, dahil yung gusto niyang gawin ko, hindi ko pa magagawa, and that’s it.

“But at this point, I would like to have that respect between us, the relationship between us.

"But, in the end, gusto ko pa rin makapag-decide ako on my own."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa sa press conference ng kanyang iniendorsong beauty product, ang Cosmo Skin Advanced Skin Whitening Technology, na ginanap sa Ballroom 1 ng Raffles Hotel, Makati City, nitong Huwebes, August 6.

HURT. Sa nasabing press conference ay dumating si Annabelle, na siyang tumatayong manager ni Ruffa, para sa contract signing ng anak.

Sa isang punto ng event, tinanong si Annabelle tungkol sa sinabi ni Ruffa na hindi pa man sila lubos na nagkakabati ay nararamdaman ng actress-beauty queen na mahal talaga siya ng ina.

Sagot ni Annabelle dito, “Actually, wala naman akong problema sa kanya. Ang aming away palagi [tungkol] sa lalaki.

“Masipag siyang magtrabaho, mabait siyang nanay sa mga anak niya.

"Pagdating sa lovelife, talagang bobo talaga siya."

Noong April, pinatamaan din ni Annabelle si Ruffa sa kanyang Twitter account, at tinawag itong “tanga” at “bobita” pagdating sa pag-ibig.

Read: Did Annabelle Rama just call daughter Ruffa Gutierrez “tanga” and “bobita”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Usisa ng PEP kay Ruffa, hindi ba siya nasasaktan kapag tinatawag siya nang ganoon ng ina sa publiko?

Tugon ng actress-TV host, “Ako, I don’t get hurt na, because sanay na ‘ko.

“But I get hurt for people that she’s talking about. Siyempre hindi naman sila sanay, di ba?

“Ako, okay lang, kasi nanay ko naman siya.

"But, para sa iba, medyo nasasaktan ako."


LIVING HER OWN LIFE. Hindi ba kayang pagbigyan ni Ruffa ang gusto ng ina na hiwalayan ang current boyfriend niya?

Sagot niya, “Kung 'yon ang opinyon niya, rerespetuhin ko 'yon.

"But, at the same time, dapat respetuhin din niya ang opinyon ko."

Sabi ni Ruffa, hindi man pabor sa kanyang boyfriend si Annabelle, “I’ll just continue to live my life the way it is.

"Hindi naman sa may ipaglalaban ako, na magpapakasal ako or magkakaroon ako ng anak or magtatanan kami, hindi naman ganun, di ba?

"I’m just working and doing everything that is expected of me as a professional.

"And siguro, for my mom, makikita din niya in the end na mali yung iniisip niya."

Paano siya magiging masaya kung alam niyang hindi sang-ayon ang ina sa nagiging karelasyon niya?

“I’m used to it na, e,” ani Ruffa, na sinabi sa isang interview kamakailan na lahat ng nakakarelasyon niya ay hindi pinapaboran ng ina.

Patuloy niya, “I’m just so happy.

"Even if it’s been a lifetime crisis for me, since I was a teenager, I am just so happy for those that stayed.

"And for those who ran away, okay lang. That means that weren’t meant to be."

Ayon pa kay Ruffa, mabuti na lang at maraming blessings ang dumarating sa kanya, kaya naman kahit may mga sinabing hindi maganda ang kanyang ina sa ginanap na presscon, hindi siya naiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank God I’m not emotional today.

"I’m so happy because of the good news I received today so even my mom can’t spoil my mood.

“So, I think I’ve gotten used to it na.

“Para sa akin, [it is] best to just smile it off and ignore it.

"But there are just some days na medyo sensitive ako kaya naiiyak ako.

“Pero napansin niyo, hindi naman ako umiiyak ngayon, so dinedma ko lang siya.

"It’s just an outburst on her end."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN