James Reid denies snubbing incident with Julia Barretto’s dad Dennis Padilla: “I’ve never met her father.”

Iginiit ni James Reid na hindi sila nagdi-date ni Julia Barretto. Itinanggi rin nitong nagkita na sila ng ama ng dalaga na si Dennis Padilla at hindi siya diumano pinansin nito.


Itinanggi ni James Reid ang balitang hindi raw siya pinansin ng komedyanteng si Dennis Padilla sa taping ng isang game show.

Si Dennis ang ama ni Julia Barretto, na nali-link ngayon kay James.

Ayon sa ulat na nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkrus ang landas nina James at Dennis sa isang game show. Nag-iba raw ang timpla ng mukha ni Dennis nang makita si James.

Pero diin ni James nang matanong tungkol dito, “I’ve never met her father.”

Kasunod nito, itinanggi muli ng Viva heartthrob ang balitang nakita silang nag-date ni Julia sa isang coffee shop.

Sabi pa ng Kapamilya young actor, wala talagang katotohanang lumabas sila ni Julia.

Read: James Reid denies coffee date with Julia Barretto

Nakausap ng PEP si James sa grand opening ng Viva-owned Paper Moon Cake Boutique and Café kahapon, August 6, sa Glorietta 3, Makati City.

Kasama ni James sa pagpapasinaya ng naturang cake and coffee shop ang iba pang talents ng Viva Entertainment, kabilang na ang ka-loveteam niyang si Nadine Lustre.

JADINE VS. KATHNIEL. Samantala, sa ginanap namang special screening ng On The Wings Of Love sa Trnoma Cinema 7 noong Lunes, August 3, dumadagundong ang palakpakan ng mga tao nang dumating sina James at Nadine.

Kaya marami ang nagsasabing mukhang tatalunin ng #JaDine tandem ang tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o #KathNiel.

Sagot ni Nadine, na sumama na kay James sa panayam ng PEP, “Hindi naman po namin hangad na lampasan si ganito, si ganyan.

"Parang we are just doing our best and we want this project successful po.

“Parang ayaw naming may natatapakang ibang tao. Parang we’re just really positive about everything.”

Sabi naman ni James, hindi talaga sila nakikipagkumpitensiya sa KathNiel.

Pero masaya siyang napapabilang na ang JaDine sa mga kilalang tambalan.

“We are just happy to be an established loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Proud to be standing with another loveteams like KathNiel and LizQuen [Liza Soberano-Enrique Gil].”

Ayon naman kay Nadine, “We’re just happy for everyone na parang meron nang mga bagong generations ng mga loveteams na nagiging successful.

"Super happy po for everyone.”

Malaki raw ang pasasalamat nila sa Dreamscape at sa ABS-CBN sa pagkakataong ibinigay sa kanila na magbida sa On The Wings Of Love na magsisimula na sa Lunes, August 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN