Claudine Barretto admits being a big fan of Dawn Zulueta

Sinabi ni Claudine Barretto na tagahanga siya ng kapwa-aktres na si Dawn Zulueta. Bukod daw sa Star For All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos, si Dawn na ang kanyang next big super idol.


Inihayag ni Claudine Barretto ang malaking paghanga niya sa kapwa aktres na si Dawn Zulueta sa pamamagitan ng Instagram.

Nagsimula ito nang mag-post si Dawn sa Instagram tungkol sa pagiging ‘wise’ kahapon, August 6.

Nagkomento rito si Claudine, 36, at dito na niya binanggit ang kanyang paghanga kay Dawn, 46.

#quotes #LifeInMellowDrama

A photo posted by Dawn Zulueta , 🇵🇭 (@dawnzulueta) onAug 5, 2015 at 8:22pm PDT

Sabi ni Claudine: “Hi Ms.Dawn.its me Claudine Barretto.just want to let u know that i cant wait for ur Movie to come out.have a blessed day❤️❤️❤️”

Ang tinutukoy na "movie" ni Claudine ay ang The Love Affair, kung saan kasama ni Dawn sina Richard Gomez at Bea Alonzo.

Kaagad namang sumagot ang The Love Affair actress sa komentong ito ni Claudine.

Ani Dawn: “@claubarretto Clau, HI! Thank you, I'm so happy you're back. You've been sorely missed ❤️ Hope to see you soon ❤️”

Tugon ni Claudine: “Oh my gosh u replied thank u!!!!😊😊😊😊 im super #Fanmodedawnzulueta"

Sumagot ulit si Dawn: “You're awesome @claubarretto 😊”

#MYIDOL. Papuri pa ni Claudine kay Dawn: “After Ate Vi ur my next super Idol.i pray that we get to work together someday soon.

"🙏🙏 l b watching ur movie & all my Claudinians luv & support u & all ur movies.have a blessed day Ms.Dawn.ur really beautiful inside out! ❤️💋💋#DawnZuluetaBestActress #myidol

Sabi ni Dawn: “My, what an honor 😊 Thank you very much @claubarretto & to your fandom! Hopefully we can do a teleserye together, perhaps next year 👍”

Masayang sagot ng Etiquette for Mistresses star: “ï‚· ï‚· claubarretto@dawnzulueta im Palpitating.yes that would be a dream come true.Ayyyy!!!! I luv u Ms.Dawn💋💋💋❤️❤️❤️❤️ #fanmode #bestactressDawnZulueta

Bukod sa itinuturing na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, isa ring mahusay na aktres si Dawn, na nagwagi na ng ilang acting awards.

Pero bihira na lang siyang gumawa ng proyekto mula nang magpakasal siya kay Davao del Norte Congressman Anton Lagdameo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapanabayan ni Dawn ang nakatatandang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto.

Pero nagkaroon ng falling out sina Dawn at Gretchen dahil sa insidenteng nangyari sa pictorial ng isang shampoo brand na pareho nilang ini-endorso noong 2006.

Ikinairita diumano ni Dawn ang asta ni Gretchen sa studio.

Read: Dawn Zulueta peeved by Gretchen Barretto's prima donna ways

Ilang taon na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon at tila hindi pa rin naaayos ang gusot sa pagitan ng dalawa, dahil sa isang event nitong July 2015 ay halatang nag-iiwasan pa rin sina Gretchen at Dawn.

Read: Did Gretchen Barretto and Dawn Zulueta snub each other at Preview Ball?

Hindi rin lingid sa kaalaman ng publiko na may alitan ngayon sina Claudine at Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN