Eat Bulaga! co-host Pauleen Luna admits she's also an AlDub fan: "AlDub has brought a different kind of energy to the show."

Pauleen Luna on phenomenal success of the AlDub loveteam: "Nakakatuwa, kasi palagi kaming trending, hindi lang sa Philippines kundi worldwide… ang tagal! That’s a blessing talaga na hindi namin in-expect."


Kahit bahagi na siya ng Eat Bulaga!, hindi pa rin nakaligtas ang actress-TV host na si Pauleen Luna sa tinatawag na “AlDub fever.”

Aminado si Pauleen na maging siya ay avid fan ng sikat na sikat ngayong AlDub loveteam ng Dabarkads nilang sina Alden Richards at Yaya Dub.

Aniya, “Pati kami talaga fans ng AlDub.

“Kasi nandun na yun sa loob ng show namin, dapat normal na yun for us.

“Pero hindi, pati kami kinikilig, pati kami tawang-tawa kay Lola [Wally Bayola], kay Frankie [Jose Manalo].

“Ang explanation nga ng ibang tao, it's different kind of energy.

“Parang AlDub has brought a different kind of energy to the show.

“So, nakakatuwa, kasi palagi kaming trending, hindi lang sa Philippines kundi worldwide… ang tagal!

“That’s a blessing talaga na hindi namin in-expect.”

Kaya lahat daw sila ay welcome na welcome ang pagsali ni Yaya Dub sa kanilang Dabarkads, lalo na si Alden.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen sa cast party ng nagtapos nang primetime series ng GMA Network, ang The Rich Man’s Daughter, na ginanap sa Sampaguita Gardens kagabi, August 7.


NOT IN PERSON. Nabuo ang AlDub loveteam sa “All For Juan, Juan For All” segment ng Eat Bulaga!, kung saan bagong kasama ang Internet sensation na si Maine Mendoza.

Nakilala si Maine dahil sa kanyang pagda-Dubsmash kaya naman ginawan siya ng karakter na ang pangalan ay Yaya Dub, ang masungit na yaya ni Lola Nidora na ginagampanan naman ni Wally.

Sa isang episode ng Eat Bulaga!, habang nasa location sina Yaya Dub ay ipinakita sa screen ang nasa studio na si Alden.

Huling-huli ng kamera ang pagngiti ni Yaya Dub nang makita sa screen si Alden, na totoo palang crush ni Maine.

Nang mga sumunod na araw ay ginawan na ng storyline ang love story nina Alden at Yaya Dub at tinawag itong “KalyeSerye.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kabila nito, hindi pa rin nagtatagpo sa personal sina Alden at Yaya Dub.

Kagaya nung Huwebes, August 6, kung saan nag-celebrate ng 36th anniversary ang Eat Bulaga! sa Oasis, malapit sa Broadway Centrum.

Sinadya talagang hindi pagtagpuin sina Alden at Yaya Dub.

Kuwento ni Pauleen, “Kasi it was Eat Bulaga’s anniversary.

“When Yaya Dub went to the studio, nasa contract signing si Alden for APT.

“Nung tapos na si Alden, nung bumalik na si Alden, wala na si Yaya Dub... sayang.

“Parang hindi talaga pinapag-ayon ng tadhana muna, e.”

Hinanap daw ni Yaya Dub si Alden, at ganun din ang Kapuso young actor.

Kahit sina Pauleen ay wala rin daw ideya kung ano ang mga susunod na mangyayari sa kanilang “KalyeSerye.”

Saad ng actress-TV host, “Honestly, hindi namin talaga alam kung ano ang mangyayari.

“Every day, surprise siya talaga.

“Kasi feeling ko, yung iba naman dun, hindi rin siya yung iniisip na, ‘O, eto ang mangyayari.’

“It just happens, kasi ang huhusay nga talaga.

“Meron mga hindi ina-anticipate na puwedeng mangyari, which minsan yung nagiging turnout, mas maganda.”

WHO IS YAYA DUB? Kung curious ang lahat na malaman kung sino talaga si Yaya Dub o si Maine, natuwa rin si Pauleen nang nalaman niya ang totoong pagkatao ng sikat na ka-loveteam ni Alden.

YAYA DUB!!!! 😻 Happy Anniversary Eat Bulaga! ❤️ @mainedcm

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) onAug 6, 2015 at 2:28am PDT

Aniya, “She graduated from La Salle, I think. Tapos nag-OJT siya sa New York.

“Saka mayaman po yun, marami po yun gasolinahan.

“Galing siya sa napakaayos na pamilya.

“Kaya all the more nakakatuwa, kasi nasa barangay siya, okay lang siya, relax na relax, enjoy na enjoy lang siya.

“All the more I think na mas nagugustuhan siya ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN