Alden Richards overwhelmed by immense popularity of AlDub tandem: “Lahat po talaga hindi ko pa ma-digest.”

Alden Richards still can't believe the strong following that the AlDub tandem has garnered within such a short time: “Sobrang lakas po ng pick-up ng social media following. In over three weeks, I gained a lot of following po na parang expected ko pa po siya na a little more over a year or two pa po. And then sa labas, iba na rin po, mas naging intense.”


Parang “surreal” daw lahat kay Alden Richards ang mga nangyayari sa career niya ngayon.

Bukod sa napakalakas at napakainit na pagtanggap sa "KalyeSerye" ng AlDub ng Eat Bulaga, noong August 6 ay pumirma na rin si Alden ng four-year exclusive contract sa APT Films.

Ayon nga kay Alden, nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Victorino's Restaurant, Quezon City, matapos ang contract signing, ang nararamdaman niya ngayon ay "very happy and blessed."

Dagdag niya, “Everything that is happening to me right now, parang surprise lahat, parang blessing na out of nowhere, APT offered a movie contract with me.

“And then, AlDub is happening, Eat Bulaga! is doing well po.

"And I couldn’t ask for anything po, sa nangyayari ngayon.

“Basta all I want to do po is keep on working hard every day and not to let people down who trust me po.”


OVERWHELMED. Hindi naman maikakaila ni Alden ang malaking pagbabago na nagawa sa kanya ng AlDub at nararamdaman niya raw itong talaga.

Sabi niya, “Sobrang lakas po ng pick-up ng social media following.

“In over three weeks, I gained a lot of following po na parang expected ko pa po siya na a little more over a year or two pa po.

“And then sa labas, iba na rin po, mas naging intense.

“Mas naging intense yung pagtanggap ng mga tao sa akin when I do mall shows, out-of-towns, go to the mall or gym.

“Kasi, parang yung market po na na-tap po, from kids all the way to the working class po, pati lalaki.

“Nakakagulat po, pati lalaki, na-hook sa tandem or sa loveteam na yun.”


NOT CHANGED BY SUCCESS. Paano niya hinaharap o niyayakap ang popularidad na mayroon siya ngayon?

“Bumalik po ako dun sa first year na nagsisimula akong mag-artista, hindi pa rin po ako makapaniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagugulat po ako, especially yung mga ganitong pangyayari, it will take time po para ma-reach ko po kung nasaan man ako ngayon.

“Lahat po, nag-unravel na mabilis, ‘eto agad. As of this moment, ito ba talaga, ako na ba ‘to?

“Nagti-trending yung loveteam every day sa Twitter, dumarami ang following, ang daming nagka-clamor na mga fans, lahat po talaga hindi ko pa ma-digest.”

Sabi namin kay Alden, dati pa naman siyang isa sa next important stars ng Kapuso network.

Isa siya sa mga itinuturing na “Kapuso Prince” at hindi naman siya nakitaan ng pagbabago ng ugali.

Hindi kaya ngayon ang maging test sa kanya kung may magiging pagbabago sa ugali o attitude niya?

Sagot niya, “Naku, hindi ko po talaga ma-imagine ng dahil lang sa isang bagay na nadagdag sa career mo, enough na yun para baguhin ng sitwasyon ang pagkatao mo.

“Kasi, kung ano naman po ako noong nag-start, yun naman po ang minentain ko.

"Ayoko pong may mabago. Ayoko pong may sabihin ang mga tao."

May paniniwala sa showbiz na wala naman daw artistang sumikat na hindi nagbago.

“Then, we’ll just have to prove them wrong po,” deklara niya.


OPEN TO POSSIBILITIES. Sa isang banda, may mga aktres palang natatakot na raw makipagpareha sa kanya dahil nga sa intensidad ng following ng AlDub, gaya halimbawa ng dati niyang ka-loveteam na si Louise delos Reyes.

Hindi kaya yung pagkakaroon ng girlfriend ay mas lalong magiging mahirap para sa kanya ngayon?

Natatawang sabi ni Alden, “I’m just enjoying the moment as of now. Lahat everything’s in place.”

Puwede rin namang si Yaya Dub na nga ang ligawan niya?

“Ako po, I’m not closing any doors to anything. I’m open for any possibilities.

"Ever since naman po, I’m telling myself, whatever comes, yun yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If it’s for you, it’s for you.”

Sabi pa ni Alden, “Maganda si Yaya Dub.”

Hindi naman nawawala ang ilang nang-iintriga at naninira at nagsasabing ang totoo naman daw, nagkita na sila ni Yaya Dub at pinapalabas lang na hindi pa.

Pero sabi ni Alden, “Ganun naman po talaga, kung merong something hot diyan, hahanap sila ng paraan para patayin yung apoy.

“Kami po, talagang kung ano ang totoo, kung ano ang factual sa amin, kung ano yung truth, yun lang naman po talaga ang lumalabas.

“If ever man po na may tsismis na nagkita kami, nag-communicate, wala po talaga.”

Kahit text?

“Wala po, e,” diin niya.

Sa huli, tinanong namin si Alden kung sakaling magkita na sila ni Yaya Dub, anong kanta kaya ang gusto niyang sabay nilang i-dubsmash?

“Eh, ‘di 'God Gave Me You'!” natatawang sabi ni Alden.

Dugtong pa niya, “Kasi every time na pine-play po siya sa studio, iba ang dating ng 'God Gave Me You' na 'yan, 'tapos samahan niyo pa ng rain effects, mga roses.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN