Ai-Ai delas Alas: “Nasaktan ako do'n sa part na nagpapaandar ako, na gusto kong pag-usapan ako.”

“Kailangan ko pa ba yon?” balik na tanong ni Ai-Ai delas Alas sa mga umaakusa sa kanyang gumagawa siya ng paraan para pag-usapan.


Pag-amin ni Ai-Ai delas Alas, naaapektuhan pa rin siya sa mga sinasabi sa kanya ng bashers.

Sa lahat ng mga ipinupukol sa kanya ng mga kritiko sa social media, pinakanasasaktan umano siya sa pagbibintang na gumagawa siya ng gimik para pag-usapan.

“Nasaktan ako do'n sa part na 'yon na nagpapaandar ako, na gusto kong pag-usapan ako,” paliwanag ng Comedy Concert Queen sa panayam sa Startalk na umere ngayong hapon ng Sabado, August 7.

“Kasi marami naman akong way para pag-usapan ako,” himutok ng aktres.

“In my 25 years in showbiz, alam nyo naman yung ugali ko at alam nyo naman ang pagkatao ko.

“Kailangan ko pa ba 'yon?” balik na tanong ni Ai-Ai.

Marami sa bashers ni Ai-Ai ang nagsabing umangkas siya sa isyu ng anak-anakan niya sa showbiz na si Jiro Manio na naging kontrobersiyal noong nakaraang buwan matapos itong magpalabuy-laboy at tila wala sa sarili sa NAIA Terminal 3.

Read: (UPDATED) Former child actor Jiro Manio found wandering at NAIA Terminal 3

Isa si Ai-Ai sa showbiz personalities na naging masigasig sa pagtulong sa binatilyo at naglalabas ng updates tungkol sa kalagayan ng binata.

Ilang beses nagkatrabaho sina Ai-Ai at Jiro sa Tanging Ina Mo movie series.

Samantala, sa Startalk din ay nagbigay ng update si Ai-Ai tungkol sa kalagayan ni Jiro na nasa rehabilitation ngayon.

Sa mga nagtatanong kung kailan lalabas sa rehab si Jiro, ang sagot Ai-Ai: “Matagal pa po, mga four months pa.

“Siguro sa birthday ko [November 11] nakalabas na siya. Sana and bago mag-Christmas, makalabas na po siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN