Julie Anne San Jose: “I don’t lipsynch, I don’t do that.”

Julie Anne refuses to take a stand on the controversial non-singers/lipsynch issue: “Ay, wala po akong stand dun. Basta ang masasabi ko lang po ay kumbaga, lahat naman siguro, lahat naman tayo ay ano lang, talagang gumagawa na nga ng paraan para magtrabaho, 'di ba? 'Tsaka para mapasaya din yung mga ibang tao, and ako I totally respect both sides. So iyon po.”


Isang certified singer si Julie Anne San Jose, kaya hiningan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng komento tungkol sa naging isyu kamakailan sa mga sinasabing “non-singers” at mga artists na nagli-lipsynch kapag nagpe-perform.

Nagsimula ito sa isang tweet ng mang-aawit na si Rhap Salazar, na lumaki at naging isyu for a while.

Ayon kay Julie Anne, “Ay, wala po akong stand dun.

“Basta ang masasabi ko lang po ay kumbaga, lahat naman siguro, lahat naman tayo ay ano lang, talagang gumagawa na nga ng paraan para magtrabaho, 'di ba?

“'Tsaka para mapasaya din yung mga ibang tao, and ako I totally respect both sides.

“So iyon po.”

Si Julie Anne ba, sa dinami-dami na ng mga naging performances niya, may pagkakataon bang nag-lipsynch siya?

“Siguro kapagka… wala naman po.

“Pero like yung mga background vocals, kasi siyempre pampakapal din yun ng track like kunwari yung mga fast songs, 'di ba?

“Pero like yung sa mga chorus parts lang kasi siyempre kailangan rin yung mga back-up.

“Yun lang, pero I never... I don’t lipsynch, I don’t do that,” paglinaw niya.

Pero nilinaw naman niya na wala siyang issue sa mga nagli-lipnsych.

“Wala din po, wala. Wala, wala talaga,” diin niya.

Nakausap ng PEP si Julie Anne sa presscon ng Sunday PinaSaya noong Huwebes, July 30, sa 17th floor ng GMA Network.

SINGER OR ACTRESS? Ano ang kaibahan ng satisfaction na nakukuha ni Julie Anne sa pagkanta at sa pag-arte?

Kung singer at komedyante siya sa Sunday PinaSaya ay aktres naman si Julie Anne sa Buena Familia.

Regular na napapanood si Julie Anne sa Sunday PinaSaya tuwing Linggo at tuwing Lunes hanggang Biyernes naman sa Buena Familia.

“Well, for me kasi kumbaga ito yung show [Sunday PinaSaya] na parang pampawala ng pagod. Yung tipong habang kumakain yung pamilya pinapanood yung Sunday PinaSaya, parang masaya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya kayo together with the family na nanonood and kumbaga parang kapag teleserye kasi medyo may konting mga conflict, ganito

“Ito total comedy talaga.”

Aminado si Julie Anne na she is more of a singer than an actress.

“But kumbaga parang I’m a singer who can act and kumbaga mas hinahasa ko pa yung sarili ko para pagbutihin yung acting skills ko din.

“So kumbaga parang nag-e-explore pa ako,” lahad niya.

Ie-explore din ba niya ang theater acting? May oras pa ba siya sa dami ng ginagawa niya?

Sagot niya, “Depende po.

“It depends on my career path. My career path po kasi, marami po, marami po akong mga projects, especially yung mga concerts, mga shows.

“Like 'eto, nag-release po kasi ng bagong single nung July na ni-record ko sa U.S.”

Ang single na ito ay may pamagat na “Tidal Wave.”

“And magkakaroon po ako ulit ng bagong single na ire-release this August,” pahayag pa niya.

GMA PRINCESS. Isa si Julie Anne sa mga prinsesa ng GMA. Anong masasabi niya rito?

“Wow,” at tumawa si Julie Anne.

“Ano naman po, lahat naman po kami prinsipe at prinsesa.

“I’m happy, I’m happy and sobrang nakakataba po ng puso na binibigyan po ako ng GMA ng mga opportunities.”

OPEN TO BEING PAIRED WITH ELMO? Kung pagsasamahin muli sila ni Elmo Magalona sa isang proyekto, ano ang mararamdaman niya?

Sabi niya, “Ahm, ako okey lang po sa akin but it depends on him. So it still depends on him. Okey lang naman po sa akin.

“Kasi ako hindi ko rin po alam kung ano po ba.

“Okey lang po sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN