Manila Mayor Joseph Estrada still undecided about presidential bet; confirms support for Manila Vice Mayor Isko Moreno's senatorial bid in 2016

Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada says he's still undecided about his presidential bet: “Hindi ko pa masabi, e. Hindi ko pa nakikita yung kanilang mga platform of government. Dun mo ibabase 'yan. Yung makikita kong... you’ll look after the greater good, the greatest number. Sino yung greatest number? Ang masang Pilipino.”


Sa presscon at party ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada para sa members of the press at mga kaibigan niya sa Sampaguita Gardens noong August 7, natanong ito tungkol sa espekulasyon ng ilan na si Mar Roxas ang susuportahan niya sa pagtakbo nito bilang Pangulo ng Pilipinas.

Hindi ito kinumpirma ni Erap.

“Well, si Mar Roxas is a good man. He’s one of my former Cabinet members.

“Maganda naman ang performance niya,” pagpuri niya.

Anong masasabi ni Erap tungkol kay Senator Grace Poe?

“Si Grace Poe, very intelligent.

“Si Vice-President (Jejomar) Binay, magaling din, naging running mate ko rin.

“Kaya puro kaibigan ko lahat sila, e,” ang tumatawang sinabi ni Erap.

Pero sa pananaw niya, sino sa mga nabanggit ang nakalalamang sa ngayon?

Pag-amin ng alkalde ng Maynila, “Hindi ko pa masabi, e. Hindi ko pa nakikita yung kanilang mga platform of government. Dun mo ibabase 'yan.

“Yung makikita kong... you’ll look after the greater good, the greatest number. Sino yung greatest number? Ang masang Pilipino.”

MAKING MANILA DEBT-FREE. Bilang alkalde ng Maynila, nabayaran ni Erap ang napakalaking pagkakautang ng naturang lungsod, na siya ang dahilan upang ito'y maging debt-free.

Paano niya iyon nagawa?

Pahayag niya, “Tulung-tulong lang. Maraming tumutulong. Let’s say for example ang City Council, very cooperative sa akin.

“'Tsaka yung mga Chinese-Filipino Association, (mga) business club, tumutulong din.

“Kaya nagkakaisa.”

QUASHES RUMORS ABOUT GRACE POE. Hiningan din namin ng reaksyon si Erap tungkol sa mga pang-iintriga laban kay Senator Grace, na diumano ay madalas itong maglasing at nambubugbog ng katulong.

Sagot ni Erap, “It’s black propaganda.

“I’ve seen Grace and I know her since she was small, hindi ganun yun.

“Umiinom, social drinking, what’s wrong about that?”

Definitely, may susuportahang kandidato si Erap sa eleksyon 2016.

“Siyempre! Pero hindi ko pa alam yun,” lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga humihiling din na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon.

“May misyon pa ako sa Maynila,” tugon niya.

CAMPAIGNING FOR ISKO. Magkakampanya rin daw siya para kay Isko Moreno na vice-mayor niya sa Maynila at napapabalitang tatakbong senador sa 2016.

“I will campaign for him for senator. He’s good, masipag. He’s intelligent also. Nag-aral siya sa Harvard,” pagmamalaki ni Erap.

May napili na ba siyang ka-tandem niya sa pagka bise-alkalde kapag tumakbo na bilang senador si Isko?

“Wala pa, nagpapa-survey pa ako. Maraming aplikante,” at tumawa ang alkalde ng Maynila.


JINGGOY UPDATE. Kinumusta naman sa kanya ang anak niyang si Senator Jinggoy Estrada.

Aniya, “Huling kita ko, he’s in high spirits.

“Nagkaroon na ng hearing, malapit nang matapos pero wala pang napu-prove na yung talagang charges sa kanya.

“Parang ako rin. Wala naman silang na-prove na ako ay nagnakaw sa gobyerno.”

Nag-aalala raw siya sa kalusugan ni Senator Jinggoy.

“Iyon nga lang ang worry ko sa kanya, medyo laging sumasakit yung likod,” kuwento ni Erap.

JAKE NOT RUNNING. Itinanggi niya na tatakbo bilang konsehal ang isa pa niyang anak na si Jake Ejercito.

“Hindi,” at tumawa si Mayor Erap.

“Nag-aaral pa yung bata, nag-aaral pa, nasa London pa.”

Kung magkakainteres rin si Jake na tumakbo sa pulitika, hindi raw ito pipigilan ni Erap.

“Hindi rin ako napigil ng father ko, e. Kaya alangang pipigilan ko siya.

“Depende sa kanya.

“E, iyon nga, baka mapagkamalan na namang may dynasty,” at muling tumawa si Erap.

“Pero mali naman yung dynasty, e. Yung dynasty inherited yung position, monarchy. Ito ang taumbayan ang nagde-decide, ang nag-e -elect.

“Kamukha nung tinalo ko dun sa San Juan, nung mayor ako, yung incumbent tumakbo yung anak, talo yung anak!

“Hindi maganda ang ano, e.

“Nasa tao,” pakli pa niya.

NO TO ANTI-DYNASTY BILL. Hindi siya sang-ayon sa sinasabing dynasty dito sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mali, e.

“Masama ba yung anak na sundan yung yapak ng kanyang ama kung maganda naman, di ba? Ang tao ang mag-iisip kung talagang kamukha ng ama ang palakad niya,” paliwanag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN