Jose Manalo reveals how they improvised on the spot when Yaya Dub fainted: “Kailangan hindi mag-panic ang mga tao sa mga nangyayari.”

Jose Manalo recounts what happened prior to Yaya Dub's fainting during their "kalyeserye" wedding scene in Eat Bulaga last Saturday, August 8: “Bumulong sa akin si Yaya Dub na, ‘Kuya nahihilo ako.’ Sabi ko sa kanya, ‘Totoo ba 'yan?’ Maya-maya hinawakan na niya ako. Tapos naramdaman ko yung pisil niya. Nung tingnan ko siya, maputla yung bata. Tapos biglang bumagsak na siya. Siguro dahil sa pagod din. Nabig


Pinatotohanan ng komedyanteng si Jose Manalo na hindi scripted ang pagkawalan ng malay ni Maine Mendoza o mas kilala bilang Yaya Dub noong Sabado, August 8, habang ginaganap ang "YaKie Wedding" sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Sa naturang kalyeserye, ginagampanan ni Jose ang papel na Frankie Arinolli, ang lalakeng ipapakasal ni Lola Nidora (played by Wally Bayola) kay Yaya Dub para makuha na nito ang P51.5 million.

Isang paraan din ito ni Lola na mapigilan ang pagmamahalan nina Yaya Dub at Alden Richards o mas kilala nilang AlDub.

Sa naganap na wedding scene, bigla raw nakaramdam ng pagkahilo si Maine.

Read: Yaya Dub faints on her supposed first meeting with Alden Richards; AlDub becomes top trending topic worldwide

Kuwento ni Jose sa 24 Oras Weekend, “Bumulong sa akin si Yaya Dub na, ‘Kuya, nahihilo ako.’

“Sabi ko sa kanya, ‘Totoo ba 'yan?’

“Maya-maya hinawakan na niya ako. Tapos naramdaman ko yung pisil niya.

“Nung tingnan ko siya, maputla yung bata. Tapos biglang bumagsak na siya.

“Siguro dahil sa pagod din.

“Nabigla siya sa daigdig ng showbiz.”


IMPROMPTU SCENE. Isinugod agad si Maine sa ospital at naiwan sa eksena sina Jose, Wally, at Alden.

Mabilis namang nakaisip ang tatlo ng kanilang magiging eksena para hindi raw mag-alala ang mga taong nanonood sa TV at sa mismong location.

Kaya impromptu raw ang pagwawala ni Alden at ang naging confrontation nito kay Frankie, Lola Nidora at mga bodyguards nito.

Saad ni Jose, “Tutal wala naman tayong script, ang gawin na lang natin ay itawid natin ito nang maayos.

“Kailangan hindi mag-panic ang mga tao sa mga nangyayari.”


TOUCHED BY CONCERN. Bumuhos naman ang “get well soon” greetings ng AlDub fans kay Maine, kabilang na rito ang celebrities na naging fan na rin ng tambalang AlDub.

Nagparating naman ng mensahe si Yaya Dub sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na “alive and still kicking” pa rin siya at tuloy ang pagrampa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub says fainting incident not scripted; gives update on her condition

Ikinatuwa niyang hindi natuloy ang "kasal" niya kay Frankie, pero ikinalungkot naman niya na hindi pa rin sila pinagtagpo ng tadhana ni Alden.

Buong-puso ring nagpasalamat si Yaya Dub dahil naging number one trending topic sa Twitter worldwide at sa Philippines ang #AlDubWeBelongTogether noong araw na iyon.

May pahabol naman si Jose na kailangan abangan ng AlDub fans ang mga susunod pang mangyayari sa kanilang kalyeserye.

Hindi pa raw sumusuko si Frankie kay Yaya Dub.

Sabi ni Jose, “Kahit nasa ospital si Yaya Dub at nagpapagaling, kahit ano ang mangyayari, itutuloy ni Frankie ang kasal niya kay Yaya Dub!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN