Lovi Poe on Senator Grace Poe running for President in 2016: "She really is mabuting tao, matalino, may puso, so why not?"

Lovi Poe on joining politics: “Hindi ko nakikita ang sarili ko. Siguro kasi, parang iba talaga ang gusto ko. I’m more of an artist.”


Dahil malapit sa isa’t isa sina Lovi Poe at Heart Evangelista, nakikita ang koneksiyon nila sa posibleng maging running mates sa 2016 elections.

Si Lovi ay half-sister ni Senator Grace Poe, na isa sa pinakamatunog na pangalang posibleng tumakbo bilang Presidente.

Si Heart naman ay misis ni Senator Chiz Escudero, na sinasabing strong contender for Vice President.

Sa presscon ng Beautiful Strangers last week, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi kung ano ang masasabi niya sa posibilidad na magkaroon ng Poe-Escudero tandem sa 2016.

Sabi ni Lovi, “Ako, I’m just enjoying where I am now.

"Ito naman ang matagal ko nang pangarap kaya ine-enjoy ko lang siya.

“Kung anuman ang gustong gawin ni Ate Grace, of course, I’m just here to support her.

"I’m so happy for her, kasi ang daming naniniwala sa kanya."

Sa ngayon, wala pang desisyon o kumpirmasyon si Senator Grace kung tatakbo nga ito sa pagka-presidente.

Pero kung si Lovi ang tatanungin, gusto ba niyang tumakbo ang kapatid bilang Presidente?

Tugon niya, “Hard for me to say.

"I think naman... I’m not being biased or anything, but I think she really is mabuting tao, matalino, may puso, so why not?”

Kung sakaling matuloy ang Poe-Escudero sa 2016, magkasama pa rin sila ni Heart sa mga kampanya?

“If, if...” natatawang sagot niya.

Napag-uusapan ba nila ni Heart ang koneksiyong ito sa kanilang mga buhay?

Sagot ni Lovi, “Never kong nakita ang sarili ko [sa buhay-pulitika], kahit yung dad ko [Fernando Poe Jr.] noong tumatakbo siya.

"Palaging normal... it’s just normal lang.

“If that happens, I won’t let anything pull me back to what I usually do, 'di ba?”

Hindi ba niya nakikita ang sarili na pasukin din ang pulitika?

“Hindi ko nakikita ang sarili ko. Siguro kasi, parang iba talaga ang gusto ko. I’m more of an artist,” sabi ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tiniyak ni Lovi ay magkakaroon ng Poe-Escudero team-up sa GMA simula ngayong Lunes, August 10, dahil sa pagsasama nila ni Heart o Mrs. Escudero sa Beautiful Strangers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN