Derek Ramsay on settling his rift with ABS-CBN: “May malaking tinik na natanggal sa puso ko.”

Hindi maipaliwanag ni Derek Ramsay ang kagalakan na naayos na ang gusot sa pagitan niya at ng ABS-CBN. Hindi rin ipinagkaila ng aktor na malaki ang utang na loob niya sa istasyong naghubog sa kanyang talento. Sabi ni Derek, “Yeah, I always have respect for ABS-CBN, I wouldn’t be where I am without ABS-CBN.”


Tila nabunutan daw ng malaking tinik si Derek Ramsay dahil nakatapak na siyang muli sa ABS-CBN, matapos ang halos tatlong taon mula nang lisanin niya ito upang lumipat sa TV5 noong 2012.

Nakangiting sabi ng 38-year-old Kapatid star, “You know, what I’m very glad about is… may malaking tinik na natanggal sa puso ko.

“Yeah, I always have respect for ABS-CBN.

"I wouldn’t be where I am without ABS-CBN."

Noong Sabado, August 8, nakapasok muli si Derek sa bakuran ng Kapamilya network para sa pictorial ng Ex With Benefits, ang pelikulang iprinodyus ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Kasama ni Derek sa pelikulang ito si Coleen Garcia.

#exwithbenefits pictorial

A photo posted by @ramsayderek11 onAug 8, 2015 at 7:20am PDT

Lahad ni Derek, “And we did a pictorial the other day and, you know, it’s strange to walk through the doors and the hallways that I used to go through in the past.

“And you know, I’ve been… four years, five years with ABS-CBN and that’s where I started.

"And they’re the ones that molded me, and made... and yeah, it’s nice.”

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Derek sa launching nito bilang bagong endorser ng Century Tuna Lite, ngayong gabi ng Lunes, August 10, sa Isabela function room ng Makati Shangri-La Hotel, Makati City.

Masaya rin ang actor-athlete dahil muli siyang kinuha ng Century para maging endorser nito matapos ang tatlong taon.

(Derek is flanked here by Century Pacific Food Corporation General Manager Greg Banzon and Group Product Manager Gela Gamboa. Photo by Noel Orsal)

WILLING TO DO MORE PROJECTS. Matatandaang nagkaroon ng ‘silent ban’ ang ABS-CBN kay Derek dahil sa hindi pag-renew ng kontrata ng aktor sa istasyon noong April 2012.

Nitong mga nagdaang taon ay ilang movie projects ni Derek kasama ang ilang Kapamilya stars ang ipinu-promote sa ABS-CBN ngunit hindi binabanggit ang kanyang pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayon, ayos na raw ang lahat.

Sinabi ni Derek na hindi siya kailanman nagtanim ng anumang sama ng loob sa ABS-CBN.

“Never. I always said that.

"It’s nice to know that ABS-CBN realized that it’s good for both parties na… to just forget everything and move forward.

“Because they are the number one network, and I’m very proud to say that I worked with them before.

"And now I can say that I am working for them again to produce great movies.

“It’s nice to know… na at the end of the day, na natutulog ka na walang galit sa 'yo, na hindi ka galit sa iba.

"That’s why I said na malaki ang tinik na nabunot sa akin kasi they’ve opened up, that bitter things are now just part of the past.”

Nitong Abril din, muling pumirma ng three-year contract si Derek sa TV5.

Read: Derek Ramsay stays with TV5; signs another three-year contract

Pero kahit exclusive siya sa Kapatid station, umaasa si Derek na magkaroon siya ng iba pang mga proyekto sa ABS-CBN, partikular na sa Star Cinema.

Aniya, “Yes, I’d love to do more projects with ABS-CBN and Star Cinema in the future.

"Star Cinema is the number one producer of Filipino movies and I don’t think anyone comes close to them.

"To be part of that is something you can tap yourself on the back, that you can consider and be proud of.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN