Marian Rivera remains sweet to hubby Dingdong Dantes: "Maarte pa rin kaming mag-asawa."

Marian Rivera on keeping the flame alive in relationship with husband Dingdong Dantes: “Yun naman siguro dapat ang sikreto ng mag-asawa, dapat hindi nauubusan ng paglalambingan at pagmamahalan at mga sorpresa sa isa’t isa.”


Masaya si Marian Rivera dahil mataas ang rating na naitala ng pilot episode ng Sunday PinaSaya, ang bagong comedy-variety show ng GMA Network na kinabibilangan niya.

Kasama niya rito sina Ai-Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Joey Paras, Valeen Montenegro, Jerald Napoles, at Alden Richards.

Ang pilot episode nito noong Linggo, August 9, ay nakapagtala ng 22.7% rating, base sa overnight ratings ng AGB Nielsen among Mega Manila households.

Sabi ni Marian, “Actually, tinext ako ng mga bosses ng GMA Network, nagku-congratulate.

“Sabi ko nga, ano ‘to, ginagawa rin natin especially ni Mr. [Tony] Tuviera [of TAPE and APT Entertainment Inc.] para sa GMA talaga.

“At ang masaya riyan, yung cast namin as family... yun ang masaya sa pagsasama namin sa Sunday PinaSaya.

“At sana every Sunday, mas maging masaya ang Linggo nila at hindi kami maubusan ng gagawin para mapaligaya sila.”

DINGDONG’S SURPRISE APPEARANCE. Samantala, nasorpresa raw talaga si Marian sa pagsulpot ng kanyang mister na si Dingdong Dantes sa huling bahagi ng Sunday PinaSaya.

Kitang-kita rin naman talaga ang pagkagulat ni Marian nang biglang pumasok si Dingdong sa skit nila.

Natatawang kuwento ni Marian, “Naloka rin ako, hindi ko alam na darating siya!

“Kasi sa script namin, talagang may doorbell, magdi-ding dong at papasok si Jerald talaga; at ang lumabas, siya [Dingdong].

“Wala na, nawindang na ako!

“Naging as Marian na ako, hindi na ako as character!”

Marami ang kinilig sa kanila ni Dingdong sa tagpong yun dahil napaka-sweet daw nila.

Talagang para pa rin silang magkasintahan kahit magkaka-baby na sila?

Sabi ni Marian, “Mas more pa nga, e. Maarte pa rin kaming mag-asawa.

“Yun naman siguro dapat ang sikreto ng mag-asawa, dapat hindi nauubusan ng paglalambingan at pagmamahalan at mga sorpresa sa isa’t isa.”

GIVING BIRTH. Sa November ay isisilang na ni Marian ang panganay nilang anak ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapamili na ba siya ng mga gamit ng baby nila?

Pag-amin ni Marian, “Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

“Although, sinasabi rin ng lola ko na, ‘Huwag ka munang bumili, kapag malapit na.’

“Pero nae-excite talaga ako.

“At the same time, yung mga kaibigan ko rin na malapit sa akin, e, nagbibigay rin ng mga dress, shoes… marami-rami na rin.”

Sa mga nabili niya, ano yung sobrang excited na siyang makitang suot o gamit ng baby nila?

“Bag!” natawang sabi ni Marian.

Baby pa lang, may hawak nang bag?

Natatawang sagot naman ni Marian, “Hayaan mo na! Ang cute-cute kasi ng bag.”

Hermes ba ang tatak ng bag?

“Hindi naman, basta ang cute talaga ng bag, talagang pambata.

“Mga two months, bitbitin na niya yun!” tawa na naman niya.

Kung excited na siyang mamili ng gamit para sa baby girl nila, si Dingdong ba ay may binili na rin na ikinagulat niya?

Ayon kay Marian, “Hindi, kasi sinasabi ko nga sa kanya, bawal pa.

“Pero ako yung pasaway na nae-excite ako, especially yung mga headbands, ayan, binili ko talaga dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN