Derek Ramsay wishes ex-girlfriend Angelica Panganiban a fairy-tale ending with John Lloyd Cruz

Magkaibigan na muli ang dating magkasintahang sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban, kaya hangad ng aktor na magkaroon ng masayang kahinatnan ang relasyon ng aktres kay John Lloyd Cruz.


Hangad ni Derek Ramsay na maging tuluy-tuloy at mauwi na sa kasalan ang relasyon ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban kay John Lloyd Cruz.

Nito lang July ay nag-celebrate ng kanilang third anniversary bilang magkasintahan sina Angelica at John Lloyd.

Isang simpleng spam and cheese sandwiches ang pinagsaluhan ng dalawa bilang bahagi ng paggunita sa kanilang nabuong samahan.

Read: How did John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban celebrate their third anniversary?

Pahayag ni Derek tungkol kay Angelica, “She’s very happy… she seems very, very happy.

“So, minahal ko si Angelica, and I’ll never forget that.

"That’s a side of me that I’m gonna store deep down in my heart.

“When you love somebody, you want them to be happy. So, I’m so happy that she’s happy.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa launching ng bago nitong endorsement, ang Century Tuna Lite, kagabi, August 10.

Sabi pa ni Derek tungkol sa lalong tumitibay na samahan ng dating nobya at ni John Lloyd, “So, it seems like mauunahan niya ako to have that fairy-tale ending.

“But, yeah, my wishes to her is makuha niya yun.

"It looks like na ganun na naman ang mangyayari sa kanila."

Anim na taon ang itinagal ng relasyon nina Derek at Angelica.

Kinainggitan ng marami ang relasyon nila dahil ang turing sa kanila noon ay ideal couple.

Pero naghiwalay rin ang dalawa noong May 2012 dahil sa diumano’y hindi na magandang nangyayari sa loob ng kanilang tinitirhang bahay.

Read: Angelica Panganiban finally reveals reasons for breakup with Derek Ramsay

Ilang buwan ang nakalipas, pormal na ring naging magkarelasyon sina John Lloyd at Angelica.

Ngayon, civil na sa isa't isa sina Derek at Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN