Ai-Ai delas Alas admits Alden Richards is a big help to Sunday PinaSaya: "Shining moment ni Alden ngayon."

Ai-Ai delas Alas on Sunday PinaSaya co-star Alden Richards: "Shining moment ni Alden ngayon. Sinasabi ko nga sa kanya kapag nasa gilid kami, ‘Alam mo, baby boy, nakakatuwa yung nangyari sa career mo. Kasi, di ba, sinabi ko sa 'yo sisikat ka dahil napakabait mong bata?’"


Naniniwala si Ai-Ai delas Alas na malaking tulong si Alden Richards sa kanilang bagong show na Sunday PinaSaya, na nag-pilot noong Linggo, August 9, sa GMA Network.

Sikat na sikat ngayon si Alden dahil AlDub loveteam niya with Yaya Dub (Maine Mendoza) sa Eat Bulaga!

Sabi ni Ai-Ai tungkol sa Kapuso heartthrob, “Malaking tulong siya sa show.

"Shining moment ni Alden ngayon.

“Sinasabi ko nga sa kanya kapag nasa gilid kami, ‘Alam mo, baby boy, nakakatuwa yung nangyari sa career mo.

"'Kasi, di ba, sinabi ko sa 'yo sisikat ka dahil napakabait mong bata?’

“And siguro yung iba, hindi nakakaalam, yung mommy kasi ni Alden, 'di ba, wala na?

“So, tinanong ko siya, ‘Paano ka ba naging artista?’

“Sabi niya, ‘Dati pinag-aartista ako ng mommy ko.’ Ayaw ni Alden.

“Pero nung na-tegibels [namatay] yung madir, parang eto yung ginawa niyang dedication para sa nanay niya.

"Kaya yung batang ‘yan, walang reklamo, napakasipag na bata.”

Pumirma na si Alden ng movie contract sa APT Films, na producer din ng movie nina Ai-Ai at Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival this year.

Kasama rin sa cast si Alden. Posible kayang makasama rin sa pelikula nila ang current loveteam nitong si Yaya Dub?

Natatawang sabi ni Ai-Ai, “Secret… alam mo na yung secret!

“Wait lang. Gulatan na lang.

Dagdag niya, “E, sabi ko nga, nag-thank you ako sa Lord sa lahat ng blessings na ibinibigay Niya sa akin simula nang lumipat ako sa GMA.

“Tuluy-tuloy, swak, hindi pinipillit, natural flow ng ano, may intervention ni Lord.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN