Kris Aquino hints at real score between Kim Chiu and Xian Lim

Kris Aquino on Kim Chiu's 'inner diva lights': "Hayan na naman, o. Meron na namang inner diva lights ka na naman. Nagti-twinkle-twinkle ka na naman.' Nakita kita nung sobrang lungkot ng mga mata mo. Ngayon, nakikita ko na nagti-twinkle-twinkle kasi ano, yung inner beauty niya ay mas lalong lumabas, kasi nandiyan ka [Xian]."


Isang mahalagang mensahe ang ibinigay ni Kris Aquino sa anak-anakan niyang si Kim Chiu sa episode ng Kris TV kaninang umaga, August 12.

Ito ay matapos magpalitan ng mensahe sina Kim at Xian Lim, na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Ito rin ang huling araw ng guesting nina Kim at Xian sa daily morning show ni Kris.

Nag-guest ang dalawa para i-promote ang Star Mobile movie series nilang Must Date A Playboy.

Kung matatandaan, ipinagmamalaki lagi ni Kris ang sobrang paghanga niya sa KimXi loveteam, pati na ang labis na pagmamahal niya kay Kim.

Bago nito, halos matunaw si Kris sa mga naging pahayag ni Xian para kay Kim.

Pero nang tila nakulangan siya sa naging mensahe ni Kim para sa kanyang rumored boyfriend, dito ay sumingit na ang Queen of All Media.

Sabi ni Kris kay Kim, "Tutal, ang tipid mo sa salita, ako na ang magsasalita.

"Nakita ko na ang lahat, kaya ako ang magsasalita…

"Ibang-iba ka.

"Coming from someone who worked with her, when she was going through her heartache, 'di ba? Totoo naman, e.

"Like, five years ngayon, yung sense of serenity and peace, yung ano...

"Kasi, ramdam na ramdam ko na ang sarap makatrabaho nung ang sasaya, at pinasasaya ko siya.

"So, galing from someone na ang daming nagmamahal sa kanya, pero siguro, I'm on top of the list, kasi mahal na mahal 'yan talaga.

“Thank you [Xian] for giving her so much happiness."

WORKING RELATIONSHIP. Magkasama ngayon sina Kris at Kim sa tinatapos nilang Star Cinema movie na Etiquette for Mistresses.

Kasunod nito ay ang pagkuwento ni Kris kung gaano kasaya si Kim kapag nasa shooting sila.

"Kita, e… kahit five in the morning na, kahit minsan ay napapagalitan kami ni Direk [Chito Roño], kalma kami, smile-smile kami, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, hindi namin napi-feel yung pagod kasi she radiates joy.

"And kapag ang tao na katrabaho mo ay maligaya, sabi ko, 'Pa-touch nga, para pag-uwi ko ay ganyan na din ako.'

"'Di ba, ginaganun kita? Oo, totoo yun!

"And what she says about you [Xian], hindi pa po yun twenty percent of what she says was able to tell of you.

"And I respect that, kasi gusto kong mapanatili nila ang kaligayahan nila.

"And that means keeping something for themselves, 'di ba? Ganun yun, e."

Patuloy na pambubuking ni Kris kay Kim, "Sabi ko nga, e, 'Hayan na naman, o. Meron na namang inner diva lights ka na naman. Nagti-twinkle-twinkle ka na naman.'

“Nakita kita nung sobrang lungkot ng mga mata mo.

"Ngayon, nakikita ko na nagti-twinkle-twinkle kasi ano, yung inner beauty niya ay mas lalong lumabas, kasi nandiyan ka," patungkol ni Kris kay Xian.

"Ipagpi-pray ko kayo, sabay ako sa inyo sa Father Pio [chapel].”

LESSON FROM KRIS. Ibinahagi rin ni Kris kung ano ang natutunan niya kay Kim.

“Heto, gusto ko talagang i-share sa inyo, na natutunan ko talaga from Kimmy…

“Nung pag-uwi ko, nung pagod na pagod ako, na-realize ko na si Kim is happy.

"Kasi, meron siyang peace of mind, meron someone there.

"Kaya may peace of mind, kasi natuto na siya. Na kung ano lang ang dapat i-share.

"Kaya sabi ko, I'm gonna be like her... bakit ba?

"I'm gonna be like Kim, hindi ako mangungulit."

Sabay baling niya kay Kim, na tawa lang nang tawa sa harap niya, "Bakit, ikaw ang nagsabi nun! Na huwag i-force ang sarili mo.

"So, we look forward of course with the serye.

"And it will come immediately after the Etiquette of Mistresses."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN