Fashion Pulis blogger released from detention

Ayon sa statement na inilabas ni Atty. Regie Tongol, ang pagkaka-detain ng kanyang kliyenteng si Michael Sy Lim, o mas kilala bilang Fashion Pulis, ay bunga ng butas sa criminal justice system ng bansa.


Nakalabas na mula sa pagkaka-detain ang showbiz blogger na si Michael Sy Lim, o mas kilala bilang Fashion Pulis, ayon sa official ng kanyang legal counsel na si Atty. Regie Tongol, nitong Huwebes, August 13.

Inaresto si Lim noong Martes, August 11, kaugnay ng kasong libel na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Nag-ugat ang kaso dahil sa pag-post ni Lim sa kanyang gossip website tungkol sa pagkakaroon diumano ng sexually-transmitted disease ni Deniece Cornejo.

Nag-leak umano ang nasabing medical report mula sa Healthway, at may kinalaman ang report sa isyu ng diumano’y pagsasamantala ng komedyanteng si Vhong Navarro kay Deniece.

Read: Fashion Pulis blogger arrested after Deniece Cornejo charges him with libel

Narito ang kabuuang pahayag ni Atty. Tongol:

“My client Michael S. Lim had already been released. His detention was an unfortunate result of a loophole in our criminal justice system, which was taken advantage by some as a means to an end. My client is resolved to face this libel suit filed against him. Thus, any talks or insinuation of a possible settlement is still premature as of this time because we have yet to see Ms. Cornejo’s complaint as we have been deliberately deprived of our right to participate in the preliminary investigation stage. In the coming days, we shall file the appropriate motions and/or petitions to protect Mr. Lim’s constitutional rights to due process and press freedom."

Photo from Fashion Pulis


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN