Kathryn Bernardo's mom reacts to speculations about her controversial Twitter post

Min Bernardo: "Lahat kami ay magkakapamilya. Suportahan natin ang lahat ng programa ng ABS-CBN."


Nagsalita na ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo (Mommy Min) hinggil sa kontrobersiyal nitong Twitter post noong Lunes, August 10.

Ito ay sa kadahilanang naging sentro ng espekulasyon kung sino ang hindi pinangalanang personalidad na tinutukoy ni Mommy Min na "nanggagaya."

Kasabay nito ay naungkat ang rivalry issue sa pagitan ng tambalan nina Kathryn at Daniel Padilla at tambalan nina Nadine Lustre at James Reid.

Tiyempo kasing nagsimulang umere sa Kapamilya primetime block noong Lunes ang teleseryeng On The Wings of Love, na pinagbibidahan nina James at Nadine.

Kasunod ito ng programang Pangako Sa 'Yo na pinagbibihahan naman nina Daniel at Kathryn.

READ: Kathryn Bernardo's mom posts cryptic "copycat" Twitter post

Ngunit sa opisyal na pahayag ni Mommy Min na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes, August 14, inihayag nitong walang isyu sa pagitan ng mga personalidad na nadawit sa kontrobersiya.

Lalo pa't lahat sila ay "magkakapamilya" at galing sa iisang TV network.

Sabi ni Mommy Min sa kanyang maiksing pahayag sa PEP: "Lahat kami ay magkakapamilya. Suportahan natin ang lahat ng programa ng ABS-CBN."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN