James Reid reacts to bashers of #JaDine loveteam: “Can't please everyone.”

James Reid on bashers: "A, the haters... There’s always haters, haters everywhere. Can’t please everyone."


“There’s always haters, haters everywhere. Can’t please everyone.”

Ito ang maikling tugon ni James Reid sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), para sa #JamesReidOnPEPTalk, tungkol sa umano'y nang-bash sa kanilang loveteam ni Nadine Lustre.

Nitong Lunes, August 10, nagsimulang umere ang teleseryeng On The Wings Of Love sa ABS-CBN, na pinagbibidahan nila ni Nadine o mas kilala sa tawag na JaDine.

Kasabay nito ay napansin ng ilang JaDine fans na tila may bashers ang show ng dalawa.

Nadawit sa isyu si Mrs. Min Bernardo, ang ina ni Kathryn Bernardo ng tambalang KathNiel (Kathryn-Daniel Padilla), pagkatapos nitong mag-tweet ng tungkol sa “nanggagaya.”

Bagamat hindi pinangalanan ni Mrs. Bernardo kung sino ang pinatutungkulan niya, tila nasapol nito ang tambalang itinatapat sa KathNiel—ang JaDine.

Ayon sa tweet ni Mrs. Bernardo: “Guys, let's be proud na tayo ang ginagaya mas masaya, ang mahirap ang nanggagaya #PSYPagtuwidSaNakaraan

Read: Kathryn Bernardo's mom posts cryptic "copycat" Twitter post

Hanggang ngayon, mainit pa ring ikinukumpara ang tambalang JaDine sa KathNiel.

Ayaw ni James magsalita tungkol sa tweet ng ina ni Kathryn.

Ang sabi lang niya sa mga “haters” ng kanilang tambalan: "A, the haters... There’s always haters, haters everywhere. Can’t please everyone."

Dagdag pa niya, “What was that saying? The most tastiest peach in the world, but there’s gonna be someone in the world that hates peaches [sic].”

Diin pa ng 22-year-old Fil-Australian actor, “I don’t want to assume but I mean, you can’t help it, the comparison with other loveteams, it's natural.”

Humarap si James sa PEPTalk team nitong nakaraang Huwebes, August 13.

“IT’S AN EXPERIENCE.” Samantala, spotted ang Kapamilya young actor na sumakay ng MRT noong Martes, August 11.

As usual, traffic ang dahilan kaya napilitan si James na sumakay ng MRT para hindi ma-late sa kanyang appointment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read #PEPspotted: James Reid rides the MRT to beat traffic!

Kuwento ng actor-singer, “Papunta kaming Pasig area for Kapamilya Awards 'tapos live yun. May isa pang concert sa MOA.

“Okay naman. Mainit. Nasira pa.

“We have to go down, waiting for two trains.

"Tapos ayun, late kami. Dumiretso kami backstage, rehearsed for five minutes and then show.”

Ang daming nagpa-selfie kay James at ang daming pumuri dahil wala raw itong arte kahit siksikan pa.

Sabi naman niya, “At first hindi sila naniniwala, ‘Is that James?’

“'Tapos naka-cap ako.

“Actually, sobrang siksik and nagpa-picture sila.

“It’s an experience.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN