Ginebra fans want Yaya Dub as muse for PBA opening

Gagawin daw ng pamunuan ng Ginebra ang lahat ng kanilang makakaya upang makuha si Yaya Dub, o Maine Mendoza, para maging muse sa pagbubukas ng 41st season ng PBA sa Oktubre.


Wala na ngang makakapigil pa sa pag-alagwa ng showbiz career ng tinaguriang “Dubsmash Queen” na si Maine Mendoza—o mas kilala sa kanyang karakter na Yaya Dub sa Eat Bulaga!

Dahil sa phenomenal success ng AlDub loveteam nila ni Alden Richards, marami rin ngayon ang nagkakainteres na kunin si Maine sa telebisyon man o pelikula.

Usap-usapan na nga ang malaking posibilidad na kasama sina Maine at Alden sa 2015 Metro Manila Film Festival entry nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Pero maging sa mundo ng basketball ay ‘hot commodity’ rin si Maine.

Ayon sa ulat ng SPIN.ph, susubukan ng pinakasikat na basketball team sa bansa, ang Barangay Ginebra, na kunin si Maine bilang muse sa opening ng 41st season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa October.

Bukas daw ang PBA chairman na si Robin Non, na siya ring basketball operations head ng SMC franchise, sa suhestiyon ng maraming Ginebra fans na kunin nilang muse si Maine.

Pero ayon kay Non, kailangang dumaan muna ito sa SMC marketing department, na siyang namamahala sa listahan at pagpili ng posibleng maging muse ng lahat ng koponan na nasa ilalim ng San Miguel Group.

Maliban sa Barangay Ginebra, may koponan din sa PBA ang San Miguel at Star.

Pahayag ni Non sa SPIN.ph, “Sa marketing namin talaga nakatoka ‘yan.

“And the usual practice is kung sino yung calendar girl ng Ginebra for the year ang kadalasang kinukuha nila na muse.”

Ang Kapamilya actress na si Ellen Adarna ang Ginebra calendar girl ngayong 2015.

Sabi pa ni Non, “Pero puwede yun. I will tell it to Al [Chua, Ginebra alternate board of governor], and maybe we can suggest it.”

Samantala, nag-tweet naman si Chua na susubukan ng Ginebra ang lahat ng makakaya nito upang pagbigyan ang gusto ng kanilang fans.

Mga ka barangay susubukan natin ibigay ang idea sa marketing para makuha natin si YAYA DUB para muse ng ginebra

— alfrancis chua (@alfrancischua) August 15, 2015

Idinagdag din ni Non na ieendorso rin niya ang ideya sa San Miguel at Star kung may ibang plano na ang SMC marketing department para sa Ginebra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN