Father of Ai-Ai delas Alas's first child passes away

Katatapos lang ng Sunday PinaSaya ngayong hapon, August 16, nang matanggap ni Ai-Ai delas Alas ang malungkot na balitang sumakabilang-buhay si Rey Maltezo dela Cruz, ang biological father ng kanyang panganay na anak na si Sancho Vito.

Ikinalungkot ni Ai-Ai ang balita dahil, ayon sa kanya, ngayon pa lamang nagiging malapit sa isa’t isa sina Sancho at Rey.

Hindi pa tiyak ang tunay na dahilan ng pagpanaw ni Rey, pero sa pagkakaalam ni Ai-Ai ay matagal nang may karamdaman ang ama ni Sancho.

Theater actor si Rey nang magkakilala sila ni Ai-Ai at nagbunga ang kanilang relasyon.

Kahit estranged sila sa matagal na panahon, plano ni Ai-Ai na dumalaw sa burol ni Rey para magbigay ng respeto sa ama ng kanyang anak.

Nangako naman si Sancho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magbibigay siya ng update kapag nalaman na niya ang kumpletong detalye tungkol sa burol at libing ng kanyang biological father.

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN