Shaina Magdayao describes herself as a "very selfless lover"

Despite having been single for quite some time, Shaina Magdayao believes love will come at the right time: "Kalma po muna. Darating din naman tayo riyan. Right now siguro, mas ine-enjoy ko 'to. I'm a very selfless lover so, mas uunahin ko ang lover ko kesa sa sarili ko. At least ngayon, sarili ko ang inuuna ko and my work and everything about me, my family and my friends."


“Choosy ka pa ba sa housemate mo?” ang natatawang biro ni Shaina Magdayao nang tanungin ito tungkol sa kanyang bagong leading man na si Matteo Guidicelli.

Magiging “housemate” kasi ni Sarah si Matteo sa kanilang bagong mini-series para sa Cinema 1 na pinamagatang Single/Single kunsaan si Matteo ay lalabas na palaging naka-topless at kita ang abs.

Na-excite daw si Shaina nang malaman nga niyang si Matteo ang magiging kapareha niya.

“I was really, really excited dahil yun nga, hindi naman nagku-cross ang landas namin ni Matteo, not even on stage, sa ASAP because he’s a singer, I’m a dancer. So hindi po talaga kami nagsasama.

“But with the story and all, ngayon kasi ako, parang I look forward to new things, new team-up, kagaya nito, bago.

“Bago rin siya for me, so definitely, bago rin ang makikita ng manonood dahil sa tagal ko na rin yata sa industry.

“So yun, personally, wala akong problema sa kanya.

“Sa screen, parang ako, 'May chemistry ba kami?'

“Kaya I kept on asking Direk, 'Direk, how was it?' Tapos sabi niya, nakakakilig, nakakatawa. 'Talaga? Nakakakilig kami?'

“The series kasi is very funny without even trying, so yun po. Kayong manonood, makikita niyo po yung kakaibang chemistry namin ni Matteo even without trying.”

NAUGHTY ROLE. Hindi sinagot ng diretso ni Shaina kung may kissing scene sila ni Matteo sa Single/Single na magpa-pilot na sa Cinema 1 (co-produced ng The Philippine Star) sa August 29

Natatawang biro ni Shaina, “Ang natikman ko po, ang abs niya kasi laging hubad siya.”

Ang sigurado raw, kakaiba ang karakter niya sa Single/Single kumpara sa mga ginagawa niya, lalo na sa primetime series niyang Nathaniel.

“Kumpara sa Nathaniel na doktora, wholesome, medyo nalalayo po talaga si Joee [Shaina's character] do'n. I can say na Joee is naughty, funny rin at the same time, so medyo nalalayo po siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO REASON FOR SARAH TO FEEL JEALOUS. Cebuana si Shaina at ang leading men niya na sina Matteo at Gerald Anderson ay mga Cebuano rin.

Pero pagkumparahin ni Shaina ang dalawa.

“Ay, lahat naman po ng Cebuano malalambing. Bilang ako, e, Cebuano rin, lahat po ng Cebuano, malalambing magsalita.”

Hiniritan din si Shaina na mabuti raw, hindi nagseselos sa kanya si Sarah Geronimo na girlfriend ni Matteo, lalo pa nga’t may pagka-daring ang mga karakter nila.

Sabi agad ni Shaina, “Ay, wala naman pong dapat ipagselos si Sarah dahil work is work.

“Sa title lang po siguro nanggaling ang pagiging single ni Matteo but we know naman he’s not in real life.”

HAPPILY SINGLE. Si Shaina daw, hindi lang sa title ng bago nilang serye ni Matteo ang pagiging single. Simula nang mag-break sila ni John Lloyd Cruz, nananatili rin daw siyang single.

Nang kamustahin nga ang pagiging single niya, natatawang sagot ni Shaina, “Mukha naman po akong okey na okey, 'di ba?”

Na sinegundahan ni Matteo at sinabing sa palagay niya, “extra-happy” daw si Shaina na single.

Naitanong tuloy kay Shaina kung masakit daw ba ang ulo nito noong hindi siya single.

“Grabe, na-observe pala ni Matt yun,” natatawang sabi niya.

Mas stressed nga ba si Shaina noong may lovelife siya?

“Ah, ano po siguro, yes. Walang stress ngayon sa buhay ko in general. You can say showbiz itong sagot ko, puro trabaho kong talaga as in, literal.

“I do Nathaniel thrice a week and then I do this twice a week and I have ASAP every weekend.

“And I’m very, very blessed I have good co-workers, magaan silang kasama, masarap silang kasama.

“Maski everyday may trabaho, it doesn’t really feel like work especially itong grupo namin, itong Single/Single.

SINGLE BY CHOICE. Sabi ni Shaina na ang pananatili niyang single ay “by choice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumbaga, personal niyang desisyon.

Hindi siya nakikipag-date?

“By choice,” nakangiting sagot niya.

“Kalma po muna. Darating din naman tayo riyan. Right now siguro, mas ine-enjoy ko 'to. I’m a very selfless lover so, mas uunahin ko ang lover ko kesa sa sarili ko.

“At least ngayon, sarili ko ang inuuna ko and my work and everything about me, my family and my friends.”

NOT YET THE PERFECT TIME FOR LOVE. Ibinalik niya ang tanong sa sagot niyang, “Kayo ba hindi?” nang tanungin ito kung kapag in-love, halos nakakalimutan niya ang sarili niya.

“Siyempre naman, kasi, paano ka pa magmamahal kung hindi? But then, there’s a perfect timing for love.

“At sa ngayon, hindi po ito ang perfect timing for love.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN