Derrick Monasterio works on hunkier, more mature image

Derrick Monasterio thanks Dingdong Dantes for believing in his capability as a credible youth commissioner: “Nagpapasalamat ako kay Kuya Dong, siyempre kasi isa siya sa mga talagang pumili sa akin. Actually, siya yung role model ko talaga.”


Hindi na puwedeng tawaging “tween” ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio dahil noong nakaraang birthday niya, August 1, ay 20 years old na siya.

Kaya pinayagan na raw siyang maging daring sa latest photo shoot niya para sa isang glossy magazine.

Dalawang taon nang pinapaganda ni Derrick ang kanyang pangangatawan dahil pinaghahandaan niya ang pagkakataong puwede na niyang ipagmalaki ito.

Sa mga post ng aktor sa kanyang social media accounts, tulad ng Instagram, tuwang-tuwa ang followers niya sa magandang development ng kanyang katawan.

this is how I celebrate my valentines

A photo posted by derrick monasterio (@superman_1) onFeb 15, 2015 at 2:28am PST

May karapatan na ngang matawag na certified hunk ang dating tween star ng GMA Network.

Sa naging panayam kay Derrick sa "Chika Minute" segment ng 24 Oras noong August 15, nagkuwento ito nang bahagya kung ano ang naging experience niya sa kanyang unang daring photo shoot.

“Maganda naman po yung photo shoot.

“Hindi siya malaswa. May art pa rin siya,” sabi niya.


YOUTH ADVOCACY. Bukod sa kanyang mga trabaho sa showbiz, aktibo rin si Derrick bilang ambassador ng National Youth Commission (NYC).

Kabahagi si Derrick sa pagdiriwang ng International Youth Day kunsaan nakasama niya angNYC commissioner-at-large na si Dingdong Dantes.

Nagpapasalamat si Derrick kay Dingdong dahil isa ito sa pumili sa kanya para maging Youth Ambassador for Education ng NYC.

“Actually, siya yung role model ko talaga,” pagmamalaki niya.

At bilang Youth Ambassador for Education, laging ibinabahagi ng aktor ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan na kanyang nakakausap.

Tulad na lang sa huling pagpunta niya sa isang high school sa San Jose del Monte, Bulacan, ineengganyo niya ang mga estudyante na pagsumikapan nila ang makatapos ng pag-aaral.

Kahit nga naman naging abala si Derrick sa kanyang pagiging artista, nagawa nitong makatapos ng high school at ngayon ay naka-enrol siya bilang college freshman sa San Beda College.


MOVIE PROJECTS. Wala pang bagong pinagkakaabalahan na teleserye si Derrick.

Huli siyang napanood sa afternoon drama series na The Half Sisters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero regular naman siyang napapanood sa weekly sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

Tatlong indie films naman ang sunud-sunod na gagawin niya. Ito ay ang Babaylan, Sa Isang Iglap, at Tres Marias.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN