Marian Rivera to continue advocacy projects after giving birth

Binisita si Marian Rivera ng kanyang fan na si Rosemarie Santos (naka-wheelchair), na mayroon cancer at cerebral palsy, sa Sunday PinaSaya kaninang hapon, August 16. Kasama niyang humarap kay Rosemarie ang mga kasamahan niya sa show tulad nina Ai-Ai delas Alas, Jose Manalo, at Wally Bayola.


Isa sa napasaya nang husto sa Sunday Pinasaya ng GMA Network kaninang hapon, August 16, ay ang fan ni Marian Rivera na si Rosemarie Santos.

Si Rosemarie ay isang cancer patient at may cerebral palsy.

Sinamahan si Rosemarie ng kanyang ina na nanood sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Pagkatapos ng show, dinala nila si Rosemarie sa may waiting lounge sa backstage para personal niyang makilala si Marian.

Kasama ni Marian na hinarap si Rosemarie ang mga kasamahan niya sa Sunday PinaSaya na sina Ai-Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Julie Anne San Jose, at Valeen Montenegro.

Binigyan ni Marian si Rosemarie ng YES! Magazine na ang nasa cover ay ang wedding photo nila ni Dingdong Dantes.

Sabi ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakakatuwa na pumunta siya dito sa Sunday PinaSaya.

“At hindi lang ako ang artista na nakita niya na naligayahan siya, lahat ng cast nandito para magbigay ng strength sa kanya, suportahan siya, at bigyan siya ng magagandang salita para alam mo na maengganyo siyang mabuhay.”

Bilang ambassador for Women and Children with Disabilities, malaking bagay raw ang mga ganung pangyayari na mayroon silang napapasayang tao na may malubhang karamdaman.

Saad pa ng Kapuso Primetime Queen, “Sa interview ko, palagi ko sinasabi na naging makabuluhan ang buhay ng isang artista kapag may nata-touch kang buhay, at nagiging inspirasyon ka nila.”

Kaya pagkatapos niyang manganak, gusto ni Marian na ituloy pa rin ang advocacy niya para sa persons with disabilities (PWD).

SMILE TRAIN. Mayroon pa raw siyang “Yan ang Smile” project bilang siya rin ang napiling Smile Train goodwill ambassador.

Dito naman ay marami silang mga batang may harelip na pinaoperahan.

Saad ni Marian, “Nangako rin ako sa Smile Train na after kong manganak ay babalik ako sa kanila.

“Kasi may campaign kaming gagawin para sa mga batang may bingot dahil marami pa kaming gustong tulungan para mabigyang ngiti ang mga batang ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala si Marian na hindi lang siya ang artistang nakakagawa ng ganung pagtulong, kundi marami pang kasamahan niya ang willing gawin yun na magbibigay ng inspirasyon sa mga taong kagaya ni Rosemarie Santos.

“Lahat ng artista ay maaari naman talaga nilang gawin at makapagbigay ligaya.

“For example, ito ngang cast ng Sunday Pinasaya.

“So, bigyan natin sila ng pag-asa, at ipinapangako ko na after ko manganak ay babalik ako sa advocacy ko para sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN