Julia Montes crowned "Royal Prinsesa ng Drama" by ABS-CBN

It's nothing to Julia Montes that she is being pitted against Kathryn Bernardo. She says, "Ang happy-happy ko kung nasaan na siya ngayon. Hindi lang bilang magkaibigan o mag-best friend kung hindi para kaming mag-ate by heart."


Kapansin-pansin ang malaking tiwala kay Julia Montes ng ABS-CBN, lalo na ng Dreamscape, pagdating sa heavy drama projects.

Mula Mara Clara, Walang Hanggan, Muling Buksan Ang Puso, at Ikaw Lamang, ngayon ay bida siyang muli sa drama series na Doble Kara.

Pero abot-abot man ang pasasalamat ni Julia, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya makapaniwala kung anuman ang mayroon siya pagdating sa kanyang career.

Pahayag niya, “Sobra, sobra po... kaya hirap na hirap akong mag-explain or mag-express ng gratitude ko.

“Ang hirap po talagang ilagay sa word kung gaano ako kasaya.

“From Mara Clara, kontrabida; sumunod Walang Hanggan na bago na naman sa akin.

“Mature roles na ipinagkatiwala po sa akin, then Ikaw Lamang, at ito.

“Talagang sabi ko nga, hindi ko po talaga ini-expect na aabot ako sa point na pagkakatiwalaan ako ng project.

“Napakasuwerte ko po talaga dun, hindi lang po sa mga roles na ibinigay nila kundi sa mga nakatrabaho ko.

“From kina Tita Susan Roces, ang dami ko pong natututunan.

“Hindi lang ako suwerte sa project, suwerte rin ako sa mga nakakatrabaho ko dahil ang dami kong natututunan sa kanila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Julia sa grand launch ng Doble Kara kaninang tanghali, August 17.


DRAMA PRINCESS. Kumpara sa ibang kasabayan niya na tila pa-tweetums o light dramatic roles lang ang nagagawa at walang kasiguraduhan kung makaka-graduate sa ganoong genre, si Julia ay nandito na sa seryosong mga karakter.

Iniwan na ba niya talaga ang pa-tweetums na role?

Natawa niyang sabi, “Dito po, abangan niyo po kung gaano ako ka-sweet!

“Siguro po kasi dito, age ko po, iba ang pagka-challenging.

“Palagi nga pong sinasabi na kapag challenging, mature lang, pero iba ang pagka-challenging niya.”

May titulo na rin siyang "Royal Prinsesa ng Drama." Pressure ba ito sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes po, hindi ko po ini-expect na magpi-presscon ako.

“Hindi ko in-expect na magpi-presscon ako every show… dati wala kaming presscon.

“Dun pa lang, sobrang na-overwhelm na po ako, mabigyan ka pa ng title.

“At yun nga po, kailangan kong patunayan na hindi porke nabigyan ka ng title, e, okey na.

“Kailangan ko po talagang i-prove sa kanila.”

Hindi nga raw makapaniwala si Julia nang una niyang malaman na siya ang Royal Princesa ng Drama.

“Noong nakikita ko pong una sa Instagram, parang 'Ano ‘to?'

“Hanggang sa kinausap nila ako, na-inspire ako lalo na kailangan ko itong pagbutihan,” patungkol niya sa Doble Kara.

Patuloy ni Julia, “Hindi lang para sa akin kung hindi sa buong grupo kasi napakaganda talaga ng project.

“Hindi ako puwedeng mag-relax kasi lahat talaga, dedicated sa project na ‘to.

"Kailangan ko po talagang ibigay ang lahat sa project na ‘to.”

"Prinsesa" siya ngayon, posible kayang maging "Queen" na ang title sa darating na panahon?

Tugon niya, “Lahat naman po ng artista, yun po ang pangarap.

“Sabi ko nga po, sana kapag dumating sa point na tumanda ako, may maiiwan po ako sa next generation or mas bata sa akin.”


COMPARISON. Samantala, hindi nawawala ang pagkukumpara sa kanilang dalawa ng tinaguriang Teen Queen na si Kathryn Bernardo.

Pareho na sila ngayong may hawak na titulo.

Komento ni Julia, “Siguro po from Mara Clara, kami ang pinagka-clash.

“Pero proud po akong sabihin at walang halong ka-showbiz-an, talagang never pumasok sa akin yun.

“And ang happy-happy ko kung nasaan na siya ngayon.

“Yung pinag-uusapan namin before, hindi namin ini-expect na nandito na.

“And talagang para kaming magkapatid, mag-ate by heart.

“Hindi lang bilang magkaibigan o mag-best friend kung hindi para kaming mag-ate by heart.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN