Senator Grace Poe confirms Mar Roxas asked her to be his running mate in 2016

Senator Grace Poe on meeting with DILG Secretary Mar Roxas: “Sinabi ko sa kanya, 'Alam niyo, Sec, tayo 'pag nag-uusap tayo diretsahan tayong nag-uusap. Pero may mga tao kayo na talagang tinitira ako sa likod.'”


Kinumpirma ni Senator Grace Poe na pormal siyang inalok ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na maging running mate sa May 2016 elections.

Linggo, August 17, nang magkita ang dalawa kung saan hinimok ni Mar na kumandidato si Grace bilang bise presidente sa ilalim ng Liberal Party.

Hindi man tuwirang tumanggi ang senadora, iginiit niyang hindi pa siya makapagbigay ng pinal na desisyon hinggil sa plano niya sa 2016 elections.

Pahayag ni Grace tungkol sa pagkikita nila ni Mar: “Sabi ko nga sa kanya, 'Marami ka namang ibang pagpipilian.'

“At nasa sa kanya yun kung maghihintay sila.

“Pero ako ay nagpapasalamat na bukas ang kanilang pinto.

“Pero hindi ko hinihikayat na maghintay sila kung ito ay labag sa kanilang plano.”

Mismong si Mar ay kinumpirma rin ang pagkikita nila ni Grace upang alukin itong maging running mate sa 2016.

Ani Mar, “Itong mga bagay na ito ay parating fluid iyan.

“At ang mabuti naman, basta maganda ang kalooban at maganda ang intensiyon, then may kinabukasan ang mga pag-uusap na ito.”

Matatandaang pormal na inanunsiyo ni Secretary Mar ang tungkol sa pagkandidato niya bilang pangulo ng bansa noong July 31.

Dito rin pormal na idineklara ng Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III na si Mar ang napiling standard bearer ng Liberal Party.

Read: Mar Roxas formally announces presidential bid in 2016

MAR'S ALLIES ALLEGEDLY BACKSTABBING GRACE. Sa kabilang banda, inalmahan ni Grace ang diumano'y paninira sa kanya ng mga hindi pinangalanang kaalyado ni Mar, gayong hinihimok siyang maging running mate ng kalihim.

Kabilang na rito ang pagkuwestiyon sa kwalipikasyon ni Grace na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa bansa.

Diretsahan umanong binanggit ito ng senadora sa kanilang pag-uusap ni Mar noong Linggo.

“Sinabi ko sa kanya, 'Alam niyo, Sec, tayo pag nag-uusap tayo, diretsahan tayong nag-uusap. Pero may mga tao kayo na talagang tinitira ako sa likod.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Handa naman kami sa legalidad dito.

“Pero hangga't sinusuyo ako, pero kabaliktaran naman ang ginagawa ng nasa iba, ano ba naman yun?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN