Kylie Padilla offers love and support to dad Robin Padilla and stepmom Mariel Rodriguez

Idinaan daw ni Kylie Padilla sa mahigpit na yakap ang pakikiramay sa amang si Robin Padilla pagkatapos muling makunan ng asawa nitong si Mariel Rodriguez. Pahayag ng Kapuso actress, “Hindi kasi ako masalita na tao, e. Ipinaramdam ko na lang sa kanya. Sobrang malungkot siya. Hirap nga ako tumingin sa kanya kasi ang lungkot niya, e.”


Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Kylie Padilla sa kanyang amang si Robin Padilla pagkatapos niyang mabalitaan na nakunan ang asawa nitong si Mariel Rodriguez.

Read: Mariel Rodriguez suffers miscarriage for the second time

Ayon kay Kylie, minsan ay natutulog pa rin siya sa bahay ng papa niya, at pagkatapos ng nangyari kay Mariel ay nagkita sila ni Robin at niyakap niya ito.

Kuwento ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakikita ko si Papa at kinukumusta ko siya.

“Niyakap ko siya nang matagal.

“Hindi kasi ako masalita na tao, e. Ipinaramdam ko na lang sa kanya.

“Sobrang malungkot siya.

“Hirap nga ako tumingin sa kanya kasi ang lungkot niya, e.”

Nung nabalitaan ni Kylie na posibleng triplets ang ipinagbubuntis ni Mariel, isa raw siya sa sobrang na-excite.

“Na-excite ako nun na kinabahan kasi tatlo agad yung responsibility mo.

“Alam mo naman na kaya nila but, you know, nandito naman sana kami para mag-babysit,” nakangiti niyang pahayag.

Kaya ramdam daw ni Kylie kung gaano kalungkot ang kanyang ama nang hindi ito natuloy.

Saad niya, “Ang dami kasing sinacrifice [sacrificed] ni Papa para sa baby.

“Wala akong power para baguhin ang sitwasyon, e.

“Kaya yun na lang, love and support, ang maibigay ko.

“Saka nakita ko kung gaano kagusto ni Tita Mariel na magka-baby siyempre.”

Hindi raw nadalaw ni Kylie sa hospital ang Tita Mariel niya, at hindi pa raw sila nagkita.

Isa raw siya sa nagdarasal na sana makabuo na talaga ang Tita Mariel niya, dahil iyon din ang hinihintay ng papa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN