Allen Dizon prioritizes ABS-CBN drama series over indie film with Brillante Mendoza

Allen Dizon on the role of awards in his ABS-CBN project: "Kasama yun sa dahilan kung bakit nila ako isinama sa magandang project. Siguro naisip nila, may maitutulong din ako sa show, lalo na nga't kinilala naman ako bilang isang aktor."


Pagkatapos ng ilang taong paggawa ng indie films, kung saan nagwagi siya ng napakaraming acting awards, ngayon naman ay unti-unti nang pinapasok ang mainstream.

Gaya na lamang ng ABS-CBN drama series na Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes.

Pahayag ni Allen, "Masaya ako sa kung ano man ang nangyayari sa akin, sa career ko.

"Parang si Coco [Martin] rin noon. Pagkatapos ng indie films, heto, mainstream naman.

"Nakakatuwa, di ba? After those years na nagdaan, di ba?

Aminado si Allen na malaking bagay sa kanyang career ang mapabilang sa Doble Kara.

"Yes, this is my biggest project sa ABS-CBN.

"May shows ako before, pero ito ang biggest break na ibinigay nila sa akin, lalo na ng Dreamscape.

"Kailangan ko pa ngang mamili kung gagawin ko yung movie kay Direk Dante Mendoza o itong Doble Kara.

"Kasi, ayaw ko namang naapektuhan ito, dahil heto na ang regular soap, nagti-taping na kami.

"Kaya kailangan kong i-sacrifice yung movie.

"At saka nakakahiya sa management ng ABS- [CBN]. Baka hindi na ako kunin ulit, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allen sa presscon ng Doble Kara, na ginanap sa 14th floor ng ELJ Building, sa ABS-CBN, noong August 17.


INDIE MOVIE. Naunang ialok kay Allen ang pelikula, pero nang masabihan siya na magsisimula na ang kanilang taping, nagdesisyon siyang unahin na muna ang Doble Kara.

Inamin in Allen na sumama ang loob ni Direk Brillante "Dante" Mendoza sa kanya.

"Kasi first sana namin na gagawa ng movie.

"Hindi pa kami nagti-taping [para sa Doble Kara], nakapag-script reading na kami [sa movie], nakapag-rehearsal na kami, nakapag-story conference na kami.

"Pero nakapagpaalam naman ako nang maayos.

"Sinabi ko sa kanya [Direk Dante] na hindi ko kayang gawin [ang movie].

"At sana sa susunod niyang project, bigyan pa rin niya ako ng isa pang pagkakataon na makatrabaho pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey naman sa kanya, naintindihan naman niya.

"Ang pagkakaalam ko, si Mark Anthony Fernandez na ang pumalit sa akin."

AWARDS A BIG HELP. Malaking bagay ba ang sunud-sunod na parangal ni Allen upang mapansin siya ng Dreamscape at ABS-CBN?

Tugon ni Allen, "Kasama yun sa dahilan kung bakit nila ako isinama sa magandang project.

"Siguro naisip nila may maitutulong din ako sa show, lalo na nga't kinilala naman ako bilang isang aktor.

"Yung awards, alam kong nakatulong sa amin nang marami ngayon, at mas na-challenge ako ngayon.

"At saka, iba pa rin talaga ang sa TV.

"Sa TV, malalaki ang acting, maraming demands, maraming kinu-consider, maraming camera, kumpara sa pelikula.

"Nag-a-adjust ako, madaming adjustments talaga."


HIGH HOPES. Inalam ng PEP kay Allen kung ano ang status niya sa Kapamilya network.

Sabi niya, "Wala naman kaming pinag-usapan tungkol sa contract.

"Pero kapag inere na [ang Doble Kara], hindi na ako puwedeng gumawa ng soap sa labas.

"Parang exclusive ako sa kanila, pero per project.

"Hopefully, dahil nabigyan na rin nila ako ng break, after one soap, may mga darating pa right after."

Dugtong niya, "Ako yung tipo na hindi naman nagmamadali.

“Kung bigyan nila ako ng magandang project, nagpapasalamat ako.

"Kung hindi, 'di naman yun magtatapos dun. Kailangan lang talagang maghintay nang maghintay.

"Nasa timing lang talaga ang lahat.

"Like noon, ang dami ring soap na hindi ko tinanggap, kasi nga, ano naman [conflict], sa mga pelikula ko, sa festivals abroad.

"Nagkataon naman na itong Doble Kara, ito yung sumakto sa schedule ko, yung wala na akong ginagawang pelikula.

"Maganda ang role ko, at Julia Montes naman ang bida. Nagpapasalamat ako talaga."


JULIA MONTES AS LEADING LADY. Kumusta si Julia bilang katrabaho?

Sagot ni Allen, "Okay siya; nakapabait, magaling, nakapa-humble.

"Hanga ako sa kanya. Talagang sobrang professional siya, at masaya kami sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit bago pa lang kayong magkatrabaho, wala yun sa kanya, kaibigan niya ang lahat.

"Yung mga first few days, nag-a-adjust pa ako sa acting, e.

"Kasi, sa una parang tuod ka. Kailangan mong gumalaw, kailangan mong may gawin.

"Pero masaya talaga ako, kasi malaking project ito.

"At ang gagaling ng mga kasama ko na sina Carmina [Villarroel], Mylene Dizon, Ariel [Rivera], at si Tita Gloria [Sevilla].

"Saan ka pa, di ba?"

Ang Doble Kara ay magsisimulang umere sa Lunes, August 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN