Susan Roces overwhelmed by public clamor for Senator Grace Poe to run for President

Susan Roces on daughter Grace Poe's capability to run for President: "Pinalaki ko ang aking anak bilang independent. Hindi ko siya bineybi-talk habang lumalaki siya. There was always her voice heard at home. Hindi namin siya diniktahan, hindi namin siya dineprive. Lumaki siya kung papaano natin inaasahan na patakbuhin ang gobyernong ito. So, kung bibilangin mo ang experience, hindi mo mabibilang sa ganun. Kung anong edad niya, yun ang tagal ng eksperiyensiya niya."


Bilang isang ina, suportado ng veteran actress na si Susan Roces kung anuman ang maging desisyon ng anak niyang si Senator Grace Poe para sa 2016 elections.

Isa si Grace sa pinakamatunog ang pangalan na tatakbo bilang Pangulo sa 2016 elections.

Pahayag ni Susan, "As a parent, siyempre kung ano yung adbokasiya ng ating anak, basta alam nating mabuti ay sinusuportahan natin.

“Ngunit ang pagkakaiba, sa decision-making, hinahayaan natin sa ating mga anak, who belongs to the present generation, ang mga desisyon at paninindigan kung anuman ang kanilang pinaniniwalaang tama."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Susan sa contract signing niya para sa Champion laundry soap, na siyam na taon na niyang iniendorso.

Ginanap ang contract signing/presson sa Boracay Room ng Edsa Shangri-La Hotel, sa Mandaluyong City, ngayong Martes, August 18.

BLACK PROPAGANDA. Kung sakaling mapagdesisyunan ni Grace na tugunan ang kahilingan ng maraming tumakbo siya sa pagka-Pangulo ng bansa, nakahanda na rin ba si Susan sa mas marami pang black propaganda na ibabato sa kanyang anak?

Pahayag ng veteran actress, "Well, I want to meet all of these in a positive note. Napakaraming problema ng ating bansa.

"Ito ay pansarili ko lang damdamin bilang ina.

“Pinalaki ko ang aking anak bilang independent. Hindi ko siya bineybi-talk habang lumalaki siya.

"There was always her voice heard at home.

“Hindi namin siya diniktahan, hindi namin siya dineprive.

“Lumaki siya kung papaano natin inaasahan na patakbuhin ang gobyernong ito.

"So, kung bibilangin mo ang experience, hindi mo mabibilang sa ganun.

“Kung anong edad niya, yun ang tagal ng eksperiyensiya niya.

“Kung papaano pairalin ang patas sa lipunan dahil 'yan ay nagsisimula sa tahanan.

“Ang unang nagtuturo sa 'yo niyan ay ang iyong mga magulang.

"How you live your life at home, your daily practices, your compassion for the less-fortunate who are working for you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang unang training mo kung papaano mo paiiralin ang gobyerno natin sa kasalukuyan.

“Yun ang kailangan natin—sa ating pamamamahay magsimula."


PUBLIC CLAMOR. Ano ang pakiramdam na marami ang humihiling na tumakbo bilang Pangulo si Grace?

Ayon kay Susan, "Well, let's just put it this way, kung anuman ang magiging desisyon ng anak ko, ang natatanggap niyang encouragement sa panahon ngayon na nag-iisip siya ng desisyon ay nakakatabang puso.

"Maingat kong pinag-iisipan kung ano ang masasabi ko.

“Alalang-alala akong ina na ma-misinterpret. Pero bilang ina, aaminin ko, maraming salamat.

"Nakakataba ng puso na ganun ang paniniwala ninyo na she will make a difference.

"Ang panalangin ko lang araw-araw ay gabayan siya ng Panginoon na maging tama ang kanyang desisyon kung anuman yun."

Sinagot din ni Susan ang ipinupukol sa anak na mga paninirang-puri, tulad ng diumano'y nananakit ito ng katulong at lasenggera.

"Siguro marami silang napanood na pelikula ni FPJ!" natatawang sabi niya.

"'Yang mga bagay na ganyan ay hindi na dapat patulan.

“Kahit naman ano ang sabihin ko or miyembro ng pamilya namin, hindi nila paniniwalaan kung ayaw nilang paniwalaan.

"Ang masasabi ko lang, hindi namin naging ugali 'yan at siguro naman, hindi ko papayagan na maging ganun ang anak ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN