Tom Rodriguez "very happy" with relationship with Carla Abellana

Tom Rodriguez on relationship with Carla Abellana: "She is someone who’s very, very special in my life, and I see something great that I don’t wanna muddle it up with. Kasi, pag bibigyan mo ng label, bibigyan mo ng ganun, yung label hindi para sa inyong dalawa, kundi para sa taong nakapaligid. Kung ganun, it kinda defeats its purpose."


Sina Tom Rodriguez at Megan Young ang magkapareha sa remake ng Marimar.

Ngunit hindi naman kaila sa marami na sa totoong buhay ay nauugnay sila sa iba—si Tom kay Carla Abellana at si Megan kay Mikael Daez.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom kung sagabal ba sa posibilidad na magka-debelopan sila ni Megan ang pagkakaroon nila ng special someone.

Ito ay sa kabila ng pare-pareho silang hindi pa umaamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pahayag ni Tom, “Whoever makes us happy, I think, are very understanding and very professional as well.

"So I think there’s no need to be worried when it comes to that."

Natuwa pa nga raw si Carla nang nalaman nitong si Tom ang gaganap na Sergio.

Ayon sa Kapuso actor, "She even shared her sentiments when she starred in another Mexican telenovela, Rosalinda."

Marami raw siyang natutunang tips tungkol sa acting kay Carla.

Maliban dito, kaibigan daw ni Tom si Mikael, na nakasama niya noon sa pelikulang Temptation Island (2011).

“Mikael is one of my good friends here,” sabi ni Tom.

Napag-usapan daw nila ang pagtatambal nina Tom at Megan sa Marimar.

“He expressed his support to me, and I’m very happy that he is very happy for me.”

REAL SCORE. Sila pa ba ni Carla hanggang ngayon?

Natatawang sagot ni Tom, “Let’s just say that I’m happy. I’m very, very happy.”

Ano ba ang nakakapigil para diretso na nilang aminin ni Carla na may relasyon nga sila?

Ayon kay Tom, “I don’t think it should be ano, e, kung may aaminin o hindi.

“Kasi a relationship or anything that you think is special is between two people.

"Like what I’ve said countless times, she is someone who’s very, very special in my life, and I see something great that I don’t wanna muddle it up with.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, pag bibigyan mo ng label, bibigyan mo ng ganun, yung label hindi para sa inyong dalawa, kundi para sa taong nakapaligid.

“Kung ganun, it kinda defeats its purpose.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN