Lauren Young on playing kontrabida to sister Megan: "Walang personalan, trabaho lang ito."

Lauren Young on rivalry with sister Megan: “Never, never. Of course, magkapatid kami, e, so laging… hindi naman lagi, pero there will be instances na hindi namin maiintindihan ang isa’t isa and we won’t get along. But since magkapatid kami, we always get over with our issues.”


Wala raw nararamdamang insecurity si Lauren Young na sa kanyang kapatid na si Megan Young napunta ang title role sa pagbabalik sa primetime ng teleserye ng GMA Network, ang Marimar, na magsisimulang umere sa Agosto 24.

Pahayag ni Lauren, “Wala. Ako naman, ever since, if bibigyan ako ng bida na role, okay lang; if hindi, okay lang din.

“I mean, whatever I have, I’m thankful for.

“I’m not the type of person na yung wala ako hahanapin ko.

“I just make do of what I have already.

“And to be in this position [as kontrabida], di ba, it’s a big role already.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Lauren sa presscon ng Marimar kagabi, Agosto 17, sa Studio 7 ng GMA Network.

Ang totoo, masaya raw si Lauren para kay Megan dahil maganda at malaking proyekto ang Marimar, na tamang-tama sa big comeback ng ate niya sa pag-arte sa telebisyon.

Saad niya, “I’m very happy for her. But the reality is she has big shoes to fill and, you know, she’s been working very, very hard and I’m here to support her all the way.”

Ang Marimar ay base sa hit Mexicanovela na pinagbidahan ni Thalia, at ginawan ng Pinoy remake ng GMA Network na naging launchng vehicle ni Marian Rivera.

Nakita raw ni Lauren ang pinagdaanang hirap ni Megan bilang preparasyon sa role nito. Kaya ramdam din daw niya ang pressure na nararamdaman ng kanyang ate.

“I feel her pressure because it’s all she ever talks about.

“It’s also the constant preparation, it’s either she’s there in her diving lessons, dance lessons, acting workshop or just simply getting ready for her role, it’s all 24/7 Marimar, Marimar, Marimar.

“Bilib ako sa kanya because not every artist takes that much time to prepare for her role.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KONTRABIDA TO HER SISTER. Kung si Megan ang bida bilang si Marimar, si Lauren naman ang kontrabida nito bilang si Antonia.

Hindi niya ba pinangarap na magkapalit sila ng role?

Sagot ni Lauren, “No, I like being Antonia.

"I’m very comfortable doing kontrabida roles.

"I think it’s my calling in showbiz."

Naging kontrabida na rin siya noon sa ibang teleserye, anong atake naman ang gagawin niya kay Antonia sa Marimar?

Ayon kay Lauren, “Siguro in the couple of teleseryes I’ve done, lagi kong ginagawa na attack sa pagiging kontrabida is very subtle, yung hindi mo alam, 'tapos bigla na lang kontrabida ka pala.

“Eto siguro, I’ll try the other way around, mas in your face.”

Na-imagine niya ba before na magiging kontrabida siya sa ate niya?

“Well, I didn’t ever think na me and my sister would end up in the same station again this time too soon.

"So, it wasn’t really in my plan yet.

“But then, you know, better now than never naman, di ba?”

Mas madali ba na ang kanyang ate ang inaapi niya kaysa ang ibang stars?

“Oo, kasi close na kami, e!” sabay tawa ni Lauren.

“Kasi, yun nga, since magkapatid kami, we have such a good relationship off-camera, it’s easier to just do your job because siya, gets niya na walang personalan, trabaho lang ito.

“So, walang conflict na mangyayari after our very heavy scenes.”

PHYSICAL SCENES. Gaano katotoo ang eksena nila na sinasaktan niya si Megan?

Sabi ni Lauren, “Well, as much as possible, ako kasi kung puwedeng totoo, gawin na lang nating totoo, kasi mas maganda siyang tingnan on TV.

“But then, there are certain instances siguro na yung mga iba, ayaw nila na sinasaktan sila, so you have to respect that also.

“There are ways para dayain to make someone comfortable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But so far naman, nung nag-taping kami, ilang beses siyang binatukan ni Tita Jane [Jaclyn Jose], wala siyang reklamo.”

So, totoo iyon?

“Yeah, totoo iyon.”

Pati ba ang pagsabunot niya kay Megan ay totoo rin?

“Oo, totoo yun. But may [hair] extensions kami, so kailangan dito lang [sa tabi].”

Okay lang ba ito kay Megan?

“Oo, okay lang iyon sa kanya. Ano siya? Trabaho to, ‘no, huwag nga siya [mag-inarte],” biro ni Lauren.

Sa totoong buhay ba, naranasan na nila ni Megan na magsabunutan?

Ayon kay Lauren, “No, never pa naman.

“When we were younger, nagsasagutan kami.

“But when we got older, naging parang hindi kami nag-e-exist sa mga mundo namin, dedmahan.

“Wala, walang pisikalan.”

WILL NOT FALL FOR THE SAME GUY. Sa teleserye ay pinag-aagawan nina Marimar at Antonia ang pagmamahal ni Sergio, na ginagampanan naman ni Tom Rodriguez.

Sa totoong buhay ba ay nagkagusto na sila sa isang lalaki?

Natatawang sagot ni Lauren, “No, we have very different taste in men! Meaning, iba lang [ang gusto namin].”

So, never magkakatotoo yung rivalry ng roles nila sa teleserye?

“Never, never.

“Of course, magkapatid kami, e, so laging… hindi naman lagi, pero there will be instances na hindi namin maiintindihan ang isa’t isa and we won’t get along.

“But since magkapatid kami, we always get over with our issues.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN