Lauren Young "in a better place" with non-showbiz boyfriend

Lauren Young on boyfriend Robbie Garcia: "He’s smart and he’s very mature. He knows what he wants in life. He’s very supportive sa career ko and everything about sa buhay ko. That’s what I like most about him, he really understands everything about me and he just makes me happy always."


Masaya kung ituring ni Lauren Young ang kabuuan ng buhay niya ngayon.

Bukod kasi sa magandang career ay maganda rin ang takbo ng relasyon niya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Robbie Garcia.

“Yeah, I’m very happy,” sambit ni Lauren.

“Well, my life is greater now. I’m not complaining.

“I have a very awesome boyfriend, I have a good family life, and I have a show.

“Thank you, Lord.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Lauren sa presscon ng Marimar kagabi, Agosto 17, sa Studio 7 ng GMA Network.

Gumaganap siya bilang si Antonia, na kontrabida kay Marimar, na ginagampanan naman ng kapatid niyang si Megan Young.

Matatandaang Nobyembre noong isang taon nang umamin si Lauren tungkol sa kanyang boyfriend na kababayan niya sa Subic.

Bakit mas pinipili niyang maging open ngayon sa kanyang lovelife kumpara sa kanyang past relationships?

Saad niya, “Hindi naman sa ganun.

“It’s just I think I’m in a better place now and I’m with someone who makes me happy right now.

“So, that’s all there is naman.”

STILL EARLY FOR ENGAGEMENT AND WEDDING. Ano ba ang nagustuhan niya sa kanyang non-showbiz boyfriend?

“Like what I’ve said before, he’s smart and he’s very mature.

“He knows what he wants in life. He’s very supportive sa career ko and everything about sa buhay ko.

“That’s what I like most about him, he really understands everything about me and he just makes me happy always.”

Dahil mukha nga siyang in love na in love, hindi kaya magulat na lang ang lahat na biglang may maganap na engagement?

“No, no, my ring is here pa lang [hindi pa engagement ring].

“Bagets pa ako, 21 years old pa lang ako. Matagal pa ang marriage.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN