Tom Rodriguez wants to settle down but not now: "Pag nagawa ko na lahat ng gusto ko... to take care of my family."

Tom Rodriguez is not making a big deal out of his being a star at GMA. He says, “Hindi ko naman alam din yung ano ang meaning o ibig sabihin, ano bang pagbabasehan natin? Alam ko lang na nung lumipat ako sa GMA, naramdaman ko yung talagang pag-aalaga, pagmamahal nila sa akin."


Aminado si Tom Rodriguez na “lifelong goal” niya ang magkaroon ng sariling pamilya.

Aniya, “I’ve never been the type of person na iniisip I’ll grow up to be a bachelor.

“I want a family, I want to settle down.”

Naging matagumpay ang pagpasok niya sa showbiz at stable na siya sa kanyang acting career. Kailan niya balak mag-asawa?

Sabi ng 27-year-old actor, “Siguro pag nagawa ko na lahat ng gusto ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko... to take care of my family.

“It’s safe to say na because of GMA, I’ve been able to make some investments.

“In my three years with GMA, nakaipon ako, nakapag-invest ako.

“And I’m very happy… yung dream ko of building a house for my parents para they can retire.

“They wouldn’t have to worry about being far away from us, lahat kami.

“My sisters, nasa Japan pareho dahil yung husbands nila dun na-station.

“My older brother has his own family; my younger brother nasa Tucson, Arizona; my other younger brother nasa military.

“So, parang kalat-kalat.

"It’s my dream for my family, my mom and dad, na maibili ko sila ng lupa’t bahay dito.

"Tapos malapit lang sila sa mga pamangkin ko."


GOOD MOVE. Galing sa ABS-CBN, lumipat si Tom sa GMA at dito ay naging big star agad siya.

Pero iba ang pananaw niya tungkol sa kanyang success.

Aniya, “Hindi ko maku-quantify in those terms, na big star, na ganito.”

Paliwanag ng aktor, “Hindi ko binabase sa ganun, e, those are arbitrary terms.

“Hindi ko naman alam din yung ano ang meaning o ibig sabihin, ano bang pagbabasehan natin?

“Yung alam ko lang na nung lumipat ako sa GMA, naramdaman ko yung talagang pag-aalaga, pagmamahal nila sa akin.

“Ramdam ko na willing silang sumugal sa akin nang paulit-ulit at ramdam ko na, dito, I’m at home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although I’m very, very thankful where I came from, they gave me the opportunities to be where I am now.

“I’m even more thankful now, and my gratitude to GMA is just through the roof.

“Time and time again they have trusted me with some of the biggest projects that they have.”


SERGIO REDUX. Isa sa mga proyektong ito ay ang Marimar, na pinagbibidahan nilang dalawa ni Megan Young.

May inaasahan bang kaibahan ang pagganap ni Tom bilang si Sergio Santibañez sa mga nakaraang gumanap sa role na ito, partikular na si Dingdong Dantes sa Marimar noong 2007?

Aniya, “I’m not looking at it in that way, e, hindi ko inisip kung paano kong gagawing iba, paano kong gagawing ganun.

“The most I can do—admittedly I’m really new, I’m a new actor—is to learn.

“I have so much to learn na bawat project na ginagawa ko, I always strive to learn something from it.

“Sinuman ang makatrabaho ko, talagang I make it a point i-mental note sa sarili ko na sana may matutunan ako.

“Hangang-hanga ako lagi sa mga nakakatrabaho ko, at sana dito rin, I can grow even more in the role of Sergio.

“Sana mabigyan ko rin ng justice si Sergio as a character and I’m really trying to do my best to do that.”

Nakakatuwa na sina Tom at Megan ang magkapareha sa Marimar, samantalang ang mga napapabalitang karelasyon nilang sina Carla Abellana at Mikael Daez ay magkasama naman sa Ismol Family.

“Actually, nakakatawa! It’s nice to think of,” sabi ni Tom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN