Mayor Herbert Bautista hopes movie with Kris Aquino will push through

Mayor Herbert Bautista on report that his movie with Kris Aquino will be shelved because of her health issues: "Sana hindi totoo. Pero kung hindi matutuloy, siyempre mas importante yung health niya more than anything else."


Hindi maiwasang tanungin si Quezon City Mayor Herbert Bautista tungkol kay Kris Aquino sa tuwing mai-interview ang alkalde, lalo na nga’t magtatambal sila sa pelikulang Mr. and Mrs. Split, na entry sa Metro Manila Film Festival 2015 sa Disyembre. Ididirehe ito ni Antoinette Jadaone.

Nagsisimula na ba sila ng shooting?

Ayon kay Mayor Herbert, “Nasa shooting pa siya ng Etiquette for Mistresses and yung huling usap namin, sinabi niya, tatapusin muna niya, magko-concentrate muna siya rito sa Mistress.

“And then after that, hopefully matuloy yung pelikula, baka biglang magkasakit, alam mo iyon, hindi natin alam, e.

“But we’re praying na matuloy.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Mayor Herbert sa premiere night ng MLQ, Ang Buhay ni Manuel Luis Quezon: The Musical, noong Agosto 19, sa bagong bukas na KIA Theater sa Araneta Center, Cubao.

Pinangunahan niya ang pagpapalabas ng naturang musical bilang bahagi ng mga aktibidad ng Quezon City government noong araw na iyon sa paggunita sa ika-137 birth anniversary ng bayani at dating Pangulong Manuel Quezon, gayundin sa 75th anniversary ng lungsod.

Plantsado na ba ang istorya at script ng movie?

Ayon kay Mayor Hebert, “Well, we have not met. Wala pa kaming meeting, so nasa ABS-CBN naman iyon, sa Star Cinema.”

COMMUNICATION WITH KRIS. Continuous ba ang communication nila?

“With Star Cinema, oo.”

With Kris?

“Kasama ko si PNoy [Pangulong Noynoy Aquino, kapatid ni Kris] kanina.”

Nang biruin ng press na tila umiiwas siya sa tanong, natawa na lang siya at napilitang sumagot.

“E, wala, okay naman.

"Siyempre kailangan nagba-bonding din kayo paminsan-minsan, lalo na’t magsisimula na iyong pelikula.

“But beyond movie, siyempre the friendship should be there.”

Madalas nagkakasakit si Kris ngayon, kaya may lumabas na tsismis na baka hindi na matuloy ang movie nila. Ano ang komento niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Hindi ko alam iyan. Sana hindi totoo.

“Pero kung hindi matutuloy, siyempre mas importante yung health niya more than anything else.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN