Arjo Atayde prohibits younger sister Ria from having a boyfriend from showbiz

Arjo Atayde on what kind of boyfriend he wants for younger sister Ria: “Outside showbiz, more on business people. Non-showbiz people.”


Pinasok na rin ng nakababatang kapatid ni Arjo Atayde na si Ria Atayde ang showbiz.

Kasama si Ria sa cast ng ABS-CBN daytime drama series na Ningning.

Ngunit sa halip na ang mga magulang nilang sina Sylvia Sanchez at Art Atayde ang mag-set ng rules kay Ria, si Arjo raw ang nagbigay ng rules sa kapatid.

Ang mahigpit na rule ni Arjo ay bawal magka-showbiz boyfriend si Ria.

Hindi raw alam ni Ria o ng mga magulang nila kung ano ang dahilan ni Arjo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arjo ay tumanggi rin itong sabihin kung bakit ayaw niya ng taga-showbiz para sa kapatid.

Sabi lang ng Ang Probinsyano star, “Yun lang naman. As in, ayoko talaga.

"I’m very open to whatever question you give me, pero this one, hindi ko po sasagutin talaga.

“It’s very personal talaga.”

Anong klaseng lalaki ang gusto niya para sa kapatid?

“Outside showbiz, more on business people. Non-showbiz people,” sagot ni Arjo.


NOT PROTECTIVE. Bakit mas protective yata siya kay Ria kumpara sa mga magulang nila?

Paglilinaw ng Kapamilya actor, “No, I’m not protective naman.

"It’s the only rule lang naman ever since she entered showbiz.

“Kasi, kung ano ang ipapakita niya sa TV, kung ano ang gagawin niya, problema niya yun.

"Siya ang kailangang mag-work for that certain character, kailangan niyang i-build yun, patunayan niya ang sarili niya. That’s not my job.

"My job lang is to tell her what I don’t like, which is, yun lang."

Wala raw isyu kay Arjo kung tumanggap man ng sexy o daring roles si Ria.

“Walang problema sa akin yun. Work is work. What I’m talking about is personal,” sabi ng 24-year-old actor.

Sobrang malapit daw sa isa’t isa sina Arjo at Ria dahil halos isang taon lang ang age gap nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung si Arjo ang tatanungin, sa halip na pag-aartista, mas gusto niyang sa ibang larangan mapunta ang kapatid.

Graduate ng kursong Communication Arts sa De La Salle University si Ria, pero bata pa lang daw ay talagang pangarap na nitong mag-artista.

Sabi ni Arjo, “Mas gusto ko siyang mag-beauty queen, newscaster.

"Kasi, naisip ko rin kung mag-beauty queen siya, mas easy for her dati to enter showbiz."

Nagulat na lang daw si Arjo nang malaman niyang artista na nga ang kapatid at kasama sa cast ng Ningning.

“Sinikreto nila sa akin, e. Nalaman ko na lang nang pinapunta nila ako sa taping.

"Pero hindi pa nila sinabi sa akin na kaya ako pupunta ng taping dahil nandun si Ria.

“Ang sabi ng mommy ko, kakausapin daw namin si Direk Jeffrey Jeturian dahil may ibinebentang building.

"Tapos ako, on the way there, nagri-research pa ako.

“So, natuwa ako para sa kanya, at the same time, nainis din ako.

"Ang dami kong inisip sa kotse!" natawang kuwento ni Arjo.

Masaya raw si Arjo para sa nakababatang kapatid dahil unti-unti na nitong natutupad ang pangarap na umarte.


IN THE GENES. Walang duda na nasa genes talaga nilang magkapatid ang pag-arte dahil nga sa kanilang ina.

Si Arjo, kahit baguhan pa lang ay nanalo na ng acting awards.

Si Ria naman ay nakatatanggap ng magagandang feedback sa pag-arte kahit baguhan pa lang din.

Ano ba ang pakiramdam na silang tatlo ng kanyang ina at kapatid ay nasa showbiz?

Sagot ni Arjo, “Masaya. At least, kapag naimbita kami sa event, magkakasama na kaming darating.”

Critic din ba siya ng kapatid sa pag-arte?

“Mas pinapaubaya ko na yun kay Mommy.

"Pero kapag may nakikita akong mali, yun lang. Hindi naman kasi ako nakikialam.

“Basta sa akin, isa lang talaga—no showbiz boyfriend.

"Pero sa acting niya, si Mommy na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


KONTRABIDA ROLE. Samantala, grabeng training daw ang pinagdaanan ni Arjo bilang pulis at kontrabida kay Coco Martin sa TV remake ng Ang Probinsiyano.


“Pinakamasamang karakter na nagawa ko ito,” paglalarawan pa niya sa kanyang role.

Madalas na mabait o leading man ang karakter ni Arjo sa mga naunang teleseryeng ginawa niya.

Mas gusto niya ba ang character roles?

Sagot niya, “Gusto? Nakaka-stress.

“First of all, yung mga kasama ko, hindi ka naman puwedeng pumasok sa set na ‘Okey na ako.’

"Kailangan, pumasok ka sa set na, 'Handa na ako.'"

Hindi ba't ganun na rin naman ang pananaw niya noon pa man?

Sabi ni Arjo, “Yeah, pero this time kasi, double effort.

"Every person you’re working with, [gaya nila] Tita Susan Roces, Albert Martinez, Agot Isidro, Coco Martin, Jaime Fabregas, Art Acuña, how will you go to the set not prepared?

“You double the preparation with what you’re doing.

"Hindi ko naman sinasabi na may mga times na hindi ko pinaghahandaan. Each and every show, pinaghahandaan ko.

“It’s just that here, of course, alam mong mas marami silang alam sa 'yo. Kailangan mong mag-level up para makasabay ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN