Gov. Vilma Santos not interested in running for VP; open to running for Congress

Vilma Santos on 19 years of being a public servant: “Wala akong regrets kahit marami akong natapon na pagkakataon; income, number one. Pero yung fulfillment na… alam mo yung fulfillment na you’re a woman, you preside a meeting, and they listen to you? That’s legacy.”


Nagsalita na nang tapos si Batangas Governor Vilma Santos-Recto tungkol sa posibilidad na pagkandidato niya bilang bise-presidente ng bansa sa 2016.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vilma sa shooting ng kanyang bagong movie project sa Star Cinema ngayong Huwebes ng hapon, August 20.

Ayon sa Star for All Seasons, publicity lamang ang mga lumalabas na balita tungkol sa posibleng pagtatambal nila ni DILG Secretary Mar Roxas, ang presidential bet ng Liberal Party.

“Ano lang ‘yan, publicity. Publicity lang ‘yan. Mga puro hearsay.

“Thank you for considering me, pero wala yung sasabihin mo na formal talk, wala.

“Hindi ko kinu-consider ‘yon.”

Dagdag ni Vilma, “In the first place, naka-psyche na yung utak ko na wala akong plano, wala akong ambisyon.

“Hindi kasi madali na trabaho ‘yon.

“Yung governor, sakripisyo na, how much more kung pag-uusapan natin na hindi biro, e?

“I will not consider yung sasabihin mo na may pakiusap.

“Hindi, e, kasi alam ko yung kakayanan ko.

“That’s why, ever since, alam ko na hindi. Hindi ako prepared for that.

“Wala akong ambisyon, no plans, and I’m not interested because wala sa plano ko.”

VICE PRESIDENCY IS TEAMWORK. Alam daw ni Vilma ang kaakibat na responsibilidad ng pagiging vice president ng bansa.

“Madaling posisyon [ang VP] kapag gusto mo na pangalan lang, pero dapat trabahuhin mo ‘yon.

“Hindi ibig sabihin busy ka, vice president ka lang, wala kang alam sa mga dapat gawin. Hindi puwede ‘yon.

“Kung gusto mong maging effective, trabahuhin mo ‘yon.

“You know, sa totoo lang, sa eksperiyensiya ko lang, hindi kaya ng isang tao ‘yan. It should be teamwork.

“Kaya kung meron talaga tayong gustong suportahan, kailangan teamwork.

“Hindi kaya ng isang tao ‘yan. Believe me, teamwork ‘yan.”

NOT ASKING FOR A SIGN. Nilinaw rin ng gobernadora ng Batangas na hindi siya humihingi ng sign mula sa Itaas kung tatakbo ba siya sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Hindi ako humihingi ng sign.

“Hindi kamukha noon na humihingi ako ng tulong kay Lord, nung [tumakbo ako bilang] mayor.

“Yun talaga, ipinagdasal ko ‘yon kay Lord.

“Sabi ko, ‘Lord, kung talagang gusto mo akong pumasok sa pulitika, hindi ko alam ’to, wala akong alam diyan, give me a sign na white flower.’

“Yun yung may nagpadala ng bulaklak [white flower].

“Pero ito [VP], hindi ako humihingi kay Lord, kasi alam kong hindi. Walang kunsiderasyon talaga.”

Kung hindi vice president, posible kayang tumakbo siyang congresswoman pagkatapos ng kanyang termino bilang governor?

Sagot ni Vilma, “I may run for Congress, kasi hindi naman siya ganoon kahigpit like 24/7, 8 days a week.

“Eight days a week, as in, literally, hindi ko kaya ‘yon.

“Pero ito [Congress] kasi, legislative, pero not as heavy kasi batas din ito.

“That’s part of my learning too, pero hindi ganoon kalaki ang burden.”

NO REGRETS. Sa loob ng 18 taon niyang panunungkulan sa gobyerno—siyam na taon bilang mayor ng Lipa City at siyam na taon bilang governor ng Batangas—ay wala raw siyang pinagsisisihan.

Saad ni Vilma, “Hindi madali, marami akong nasakripisyo, sa totoo lang.

“Kung iisipin mo yung public service, sacrifice ‘yan.

“Hindi totoo na masarap 'yan. Hindi, kung gusto mo na maging epektibo.

“Wala akong regrets kahit marami akong natapon na pagkakataon; income, number one.

“Pero yung fulfillment na… alam mo yung fulfillment na you’re a woman, you preside a meeting, and they listen to you?

“That’s legacy.”

Pagpapatuloy niya, “Yung pasasalamat sa ‘yo ng tao, na parang lahat ng ipinagawa mo, galing sa bulsa mo, [pero] hindi naman.

“Galing ‘yan sa bulsa ng tao, pero kung pasalamatan ka nila, parang kamukha nung isang matanda na [nagsabi] ng, ‘Akala ko mamamatay na ako na hindi mapagawa yung kalye.’

“Pero hindi ko pera ang ginastos doon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The respect they give you because they follow you, kung ano yung ginagawa mo, yun ang legacy mo.”

Saad pa niya, “Alam ito ng mga Batangueño… kahapon lang, nasa Rosario, Batangas ako.

“Ito yung message ko sa kanila... Hindi ko naman kaya na resolbahan ang lahat ng problema, e. Hindi ko kayang ipangako ang langit at lupa.

“Pero isa lang ang kaya kong panindigan to the last, yung para sa tao, dapat makuha nila.

"Dahil diyan talaga ako makulit... diyan ako makulit, kung gusto mo ako magalit.

“Kumbaga, para sa tao na, dadayain niyo pa?

“Aba, hindi naman tama ‘yon! Huwag naman... huwag naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN