Bela Padilla considers 2015 as her lucky year: "Parang sinuwerte ako this year, maganda ang takbo ng career ko."

Bela Padilla has just finished filming Felix Manalo with leading man Dennis Trillo and will be seen soon in the Kapamilya teleserye Ang Probinsyano opposite Coco Martin.


Nagugulat man pero masaya raw ang aktres na si Bella Padilla sa mga nangyayari sa kanyang career ngayon, dahilan upang isipin niyang taon niya ang 2015.

Una nga rito ay ang pagkakalipat niya sa Kapamilya network, kung saan ay nabigyan kaagad siya ng isang teleserye—Ang Probinsyano.

Leading lady siya rito ni Coco Martin.

Bukod pa rito, natapos na rin ni Bela ang pelikulang Felix Manalo, na tungkol sa buhay ng kauna-unahang executive minister ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Ito rin ang itinuturing na isa sa pinakamalaking pelikulang Pilipino sa taong ito na nakatakdang ipalabas sa October 7.

Si Bela ang gumaganap sa papel ni Honorata, ang maybahay ni Ka Felix na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entetainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Bela sa presscon ng Felix Manalo kahapon, August 20, hindi na niya ipinagkait ang nararamdaman sa magandang takbo ng kanyang career ngayon.

Bungad niya, "It's a whirlwind... ang daming blessings kaagad, parang ang lahat nga ay mabilis.

"Right now, ini-enjoy ko muna kung anuman ang nangyayari sa career ko ngayon.

"Kasama yun sa prayers ko, kasi lahat naman, pag may problema ako, dun din naman ako pumupunta.

"Kasi, di ba, hindi naman lahat ay masasabi mo sa tao, so lahat idinadaan ko sa dasal."

Patuloy niya, "Parang sinuwerte ako this year, maganda ang takbo ng career ko.

"Honestly, nung nag-umpisa ang taong ito, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Wala akong idea kung saan ako pupunta, basta ang alam ko, I want to try new things.

"Tapos, nagsimula dito sa movie na ito [Felix Manalo], ito ang buwena mano ko this year.

“Nag-start kami mag-shoot ng January, tapos nun, nagkasunud-sunod na.

"Habang nagsu-shoot kami, nagkaroon na ako ng iba pang projects."


LEADING MEN. Dalawang premyadong aktor ang nakasama niya sa magkaibang proyekto—sina Coco Martin at Dennis Trillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ikukumpara ang dalawa, ano ang masasabi niya sa mga ito?

Sagot ng Kapamilya actress, "Very different sila.

"Paano ko ba sasabihin... parang kinabahan ako dun, a!

"Si Dennis kasi, parang hindi kami masyadong nag-uusap sa tent, kasi parehas kaming mahababa ang lines.

“Tapos period [movie] nga, 1910, malalalim ang Tagalog.

"So, imbes na magtsikahan kami, nagme-memorize na lang kami ng lines.

"Pero pagdating sa set, nagku-connect kami.

"Ako, ibinibigay ko sa kanya ang credit, kasi sobrang galing nga niyang umarte.

“Thankful ako na nakasama ko siya at nakatrabaho.

"Meron siyang konek sa mata kaagad kaya nadadala niya ako sa eksena."

At si Coco naman daw, "He knows what he has and what he hasn’t.

"I don't see Coco as a mababaw na person, na hindi naman grade school na mali-left out.

"He's there as an actor… he’s very down-to-earth, lagi kong sinasabi 'yan kapag may nagtatanong sa akin.

"Kapag tinatanong ako kung sino ang mga actor na gusto kong makatrabaho, siyempre sinasabi ko ay yung mga top caliber.

"Siyempre 'yan si Dennis, si Coco... you would really want to work with the top actors of the networks, di ba?

"Iba-iba sila ng ugali, kaya nagulat ako na ganun si Coco.

"He opens up, he tells you what he wants to achieve, kung saan siya nanggaling."


SECURE BF. Dahil sa kaabalahan ni Bela sa kanyang career, marami ang nag-aakalang naaapektuhan na ang ang relasyon nila ng film producer at businessman na si Neil Arce.

Pagkontra ni Bela, "Hindi naman, he's always been supportive of me.

"Kaka-three years lang namin, and he's very happy with what’s going on with my career right now."

Wala raw dahilan para ma-insecure o magselos si Neil sa dalawa niyang naggaguwapuhang leading men.

Sabi ni Bela, "A, no naman, he's not like that.

"And I tell him what's happening, how everyone is treating me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't give him naman any reason para [magkaproblema] kami with each other."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN