Bela Padilla says it's "stupid" to blame Maria Ozawa for Mariel Rodriguez's second miscarriage: "Let's not point fingers, that's unfair naman.''

Bela Padilla tells the netizens who blamed Maria Ozawa for Mariel Rodriguez's second miscarrage: "If we feel bad that she demands professionalism, let's not make her family feel bad by blaming her [sa nangyari kay Mariel].''


Ipinagtanggol ni Bela Padilla ang kanyang Tito Robin Padilla sa nakaraang kontrobersiya tungkol sa pag-back out nito sa pelikulang Nilalang sampung araw bago simulan ang shooting.

Dahilan ito para tawaging “unprofessional” ang action star ng dapat sana'y magiging leading lady niya na si Maria Ozawa.

Read: (UPDATED) Maria Ozawa calls Robin Padilla “unprofessional” after withdrawing from their MMFF movie

Ipinaliwanag naman ni Robin ang kanyang dahilan na may kinalaman sa maselang kalagayan ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez na noo'y nagdadalantao.

Subalit pinanindigan ni Ozawa ang pahayag niya, at muli niyang tinawag na unprofessional si Robin, dahilan para sagutin nito ang dating Japanese adult video star at bansagan naman itong "selfish."

Read: Robin Padilla to Maria Ozawa: “If you think Robin is unprofessional, then I think you are selfish.”

Ilang araw pagkalipas nito, nakunan ang asawa ni Robin, at ang galit ng mga netizens ay napunta kay Ozawa.

Read: Maria Ozawa on Mariel Rodriguez’s miscarriage: “Blaming me for the miscarriage is wrong.”

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa presscon ng pelikulang Felix Manalo na ginanap sa Gloria Maris sa Gateway, Cubao, Quezon City, noong August 20, nagpahayag siya ng sarili niyang saloobin tungkol dito.

SAD FOR MARIEL. Ang una niyang pahayag ay tungkol sa pangalawang miscarriage ni Mariel.

Bungad ng leading lady ni Dennis Trillo sa Felix Manalo, "Naku, siyempre nakaka-sad.

"Kasi alam ko na ang tagal na nilang hinihintay, after her first miscarriage this year.

"So it's a very sensitive topic.

"Ako personally, if I were in her place, I wouldn't want people to keep talking about it.

"I would want to have time to grieve, ganun."

MOVED BY ROBIN'S SACRIFICE. Bilang pamangkin ni Robin, hinahangaan daw nito ang kanyang uncle na isinakripisyo ang maraming bagay para lamang mabantayan ang maselang kalagayan ng kanyang asawa, kasama na rito ang paggawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Oo e ganun naman talaga si Tito Robim.

"He's a gentleman through and through.

"Kung sa ibang tao nga ay maalaga siya, paano pa kaya sa asawa niya na pinakamamahal niya, di ba?

"Kahit sino namang asawa, maiiyak talaga sa gesture niya, lalo na nga't maselan magbuntis si Ate Mariel.

"Sad nga ako, na nangyari yun sa kanya dahil yun nga, matagal na nilang pangarap ito.

"We all pray na sana okay na siya ngayon—emotionally, psychologically—sa lahat."

DEFENDING ROBIN. Ano ang naging reaksiyon niya sa patutsada ni Maria Ozawa na unprofessional daw ang kanyang tito?

Mabilis na sagot ng 23-year-old Kapamilya actress, "Hindi kami close ni Maria Ozawa.

"Honestly, the most professional person I know is Tito Robin.

"So I'm always told na I'm pretty-professional for a newcomer, and I get that from my family, I get that from Tito Robin.

"You guys don't know how professional he is.

"Like, if his call time is at 7:00, he arrives at 5:00.

"He's the most professional person I've known.

"So I guess, kung may ikakasama ng loob ko sa statement na yun, yun e, 'cause he's very hardworking, at ibang level."

Sino nga raw ba namang mister ang hindi isasakripisyo ang lahat kung nasa maselan namang kalagayan ang pagdadalantao ng kanyang misis?

NOT RIGHT TO BLAME MARIA. Tungkol naman sa ilang taong sinisisi ang Japanese star sa pagkakalaglag ng triplets ng mag-asawa, ito naman ang naging opinyon ni Bella.

Sabi niya, "That's ano naman, stupid.

"Let's not point fingers, that's unfair naman.

"If we feel bad that she demands professionalism, let's not make her family feel bad for blaming her [sa nangyari kay Mariel].

"That's not us, also," pahayag ni Bela.



FOREVER GRATEFUL TO GMA. Samantala, naitanong kay Bela kung puwede ba niyang i-promote ang Felix Manalo sa GMA network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dating contract star siya dito bago niya napagdesisyunang lumipat sa Kapamilya network sa simula ng taon pagkatapos mag-expire ng kanyang kontrata.

Saad niya, "Depende sa manager ko.

"Nasa VIVA din naman ako, kaya pag-uusapan nila yun.

"Sana nga, maayos nila."

Willing ba naman siyang tumuntong muli sa GMA?

Ani Bela, "Oo naman, galing naman ako sa GMA, at malaki ang utang na loob sa kanila.

"Marami akong kaibigan dun, at kung saan man ako ngayon, sa kanila nanggaling yun.

"Kung papayagan ako, why not?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN